^

PSN Opinyon

Iba dapat ang frat sa gang

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

 Huwag na sanang ipagtanggol pa ng Aegis Juris Fraternity ang kanilang mga “brod” sa pagkamatay ni UST law student Horacio Castillo na kanilang neophyte.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumang tugtugin na yan na sasabihin nilang wala silang planong patayin ang isang brod nila. Una, amuyong lang si Atio. Hindi pa siya kasapi sa kanilang gang, este fraternity pala.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, baka lalo pa silang mapikon kung sabihin nila na talagang kailangan ang ‘hazing” para talaga mahalin niya ang sinalihang grupo. Ganun ang mga gang. Pero hindi dapat ito maging basehan sa initiation ng isang fraternity.

Sabi nga, Nakakasuka!

Ika nga, Sayang! Kasi naging malaking bahagi na ng ating lipunan ang mga kapatiran.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Pinagmamalaki nila bilang isang Mason na ang pagsapi sa kanilang kapatiran ay dahil sa mga prinsipyong ipinaglaban nito mula pa man noong panahon nina Gat Andres Bonifacio at Jose Rizal na kanilang pinagmamalaking mga “brods.”

 Kahit nga si Boss Digong, na ang karamihan ng mga barkada ay mula sa Lex Taliones Fraternitas na kasapi siya noong nag-aaral pa lang ito ng abogasya sa San Beda.

Kaya nga, sangrekwa ang buwisit na buwisit noong biglang lumabas na may mga bulok na itlog sa kanilang fraternity na nakapasok sa kaniyang administrayon.

Ayon, tsugi agad.

 Kasi nga naman hindi mo masasabing laging tama ang mga brods mo lalo na kung sangkatutak ang ipinasok ni Boss Digong.

 Hindi naman nakapagtataka ito dahil yung kaniyang idolo na si dating Pangulong Marcos, talaga namang puro mga brod niya sa Upsilon Sigma Phi ang namayagpag sa Malacanang noong kapanahunan niya.  Pero alam ba ninyo na brod din niya si Sen. Ninoy Aquino, na naging simbolo ng oposisyon at galit sa rehimen ng diktador matapos mapaslang noong 1983?

 ‘Yun, napuwersang mag-alsa balutan ang pamilyang Marcos matapos ang mahigit dalawang dekadang boss chief siya ng ating beloved na Philippines, my Philippines.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, simple lang ang gusto nilang sabihin hindi dapat idamay ang buong fraternity kung may mga kamalian ang ibang mga kasapi nito.

Tama ba, Brothers?

 Pero teka, hindi sinasabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na tama din ang kanilang mga initiation na bugbugan nang bugbugan at mga “frat war.”

Ika nga, gawin na lang nilang mga gang ang kanilang samahan para ‘di masira ang imahe ng mga kapatiran sa Philippines my Philippines.

Sobrang dami na ang mga naging biktima nila.

Para malinawan ko ang mga nangyari hinanap ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kasangga nilang beteranong peryodista na si Joel Paredes, na siya palang pangulo ngayon ng alumni ng UP Beta Sigma Fraternity.

 Aba, agad depensa n’ya na matapos maging batas ang anti-hazing law noong mga 1990, agad nilang napagkasunduan na itigil na ang anumang physical initiation sa campus. 

Aba, maganda ito!

Respeto nga naman sa ating batas.  Ayon nga kay Joel, hindi nila haha­yaang masira ang kapatiran dahil sa paglabag sa isang batas na makakabuti sa mag-aaral.

 Pero hindi raw nila papayagan na magwalang kibo na lang ang kanilang kapatiran kung ginigipit ang sambayanan. Kaya nga marami sa kanila ang naging aktibista at ang iba ay namundok noong kapanahunan ni Marcos kahit may mga ilang brods sila na naging bahagi ng administrasyon.

Ganoon?

 Dapat daw ang ipinaglalaban na prinsipyo ng bawat kapatiran ay hindi pansarili lamang, kundi para sa kabutihan nang nakakarami. Ito ang kaibahan ng mga gang sa fraternity.

Korek ka dyan!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakakatuwa din naman ang kwento ni John Lesaca, isang respetadong muskero na sobrang galing sa violin, na miyembro ng Alpha Phi Omega o APO.  Ito pa lang APO ay nakabase sa tatlong batayan—leadership, friendship at service.

Ika nga, hindi naman maipagkakaila na matagal na ring magkaaway ang APO at Beta Sigma sa Unibersidad ng Pilipinas.

Pero dahil nga sila ay mga fratmen, nakita nila na iba kung sila ay magkakatulungan. Una, matagal na rin naman silang magkakakilala sa campus.

Kaya ngayong nagtatandaan na, siguro ay mas maganda namang simulan ang pagkakaibigan para tuluyan nang makalimutan ang mga dating gulo.

Ayon nga kay John, ‘yung kanilang mga miyembro ay may “common ground” kasi magkakasama sa UP High, UP Prep at UP Elementary. Tama nga naman. Bakit kailangang maging magkakaaway pa?

Ngayon, nakita na nila na pwedeng pagsimulan ng magandang pagsasamahan ang pagiging aktibo sa pagseserbisyo sa kapwa. Dito, sa isyu ng kapayapaan, nabuo ang kanilang pagsasamahan.

Ayon nga kay John, “Friendship means one enemy is too many and a hundred friends are too few, The only way to have a friend is to sure you are one.”

Dahil sa nagkaisa ang dalawang frat na magtulungan, naging aktibo sila sa pagsulong ng diskusyon at usapang pangkapayaan sa Diliman matapos silang maglunsad ng isang forum sa College of Education at ng isang peace concert bago mag-Pasko.

Aba, maganda naman ang nangyari. Hindi lang sa nagkakilanlan ang kanilang mga magkakatunggaling mga brods. Sila’y pinarangalan kamakailan sa campus dahil sa  kanilang pinagsamang programa.

Sana tularan ito ng mga kapatiran  para naman mabago na ang paningin ng madlang people na galit sa frat.

Dapat maihiwalay na ang mga tunay na kapatiran sa mga  gang na nagpapanggap na fraternity.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with