^

PSN Opinyon

Fake News Mali-Ta

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ITO ang kalaban ng katotohanan na ginagamit bilang pro­paganda tool para manira ng mga personahe o ins­ti­tusyon. Talamak ang ganito lalu na kapag eleksyon. May mga naglalabas ng balita na ang isang kandidato ay umatras na (kahit hindi) sa kapakinabangan ng kalabang kandidato.

Ito’y usaping tinalakay sa Senado kamakailan. Ngunit sa tingin ko, mahirap tukuyin kung ano ang fake news sa hindi. Sa pagkaalam ko, mayroong lang tinatawag na misinformation o disinformation sa mass media, pero hindi nangangahulugang fake ang mga ito lalu pa’t ang pinagmumulan ng impormasyon ay mga mapagkakatiwalaang personalidad na nasa pamahalaan. Pero puwedeng-puwede na magkaroon ng pekeng balita, lalu na sa social media.

May mga “computer genius na nagagaya ang mga webpage ng mga kilalang media institution tulad ng ABS-CBN, GMA-7 at iba pa. Tapos maglalagay sila ng walang katotohanang mga balita. Iyan ang matatawag nating “peke.” Kailangan lamang ay maging mapanuri ang isang nagbabasa. Maaari kasi na ang isang taong may kapilyuhan ay magpakalat ng balitang: Isang Mamba­batas ang nagpanukala ng isang batas na nagpapataw ng parusang kamatayan sa lahat ng mga bakla at tomboy.

Sa ganitong nilalaman ng “malita” (maling-balita), magdadalawang isip naman siguro ang nagbabasa dahil wala sa katinuan ng isip ang isang solon na magpapanukala ng ganyang batas. At kung mainstream media ang pag-uusapan, walang reporter na may katinuan ang isip na magbabalita niyan nang hindi kinukumpirma sa tinutukoy na Mambabatas na nagpanukala nito.

Ang sabi ni Sen. Grace Poe, walang balak ang Senado na magpasa ng panukalang batas laban sa fake news. Oo nga naman. Lalabag kasi ito sa karapatan ng tao na malayang magpahayag na nakasaad sa Bill of Rights ng Konstitusyon na hindi puwedeng mabago. Ituloy na lang na maipatupad ang batas sa libel at bigatan ang parusa sa mga nagpapakalat ng intensyonal na maling balita para manira ng pagkatao.

Gayunman, tila namemeligro ang nakabinbing panukala sa Kongreso na i-decriminalize ang libel at gawin na lang itong kasong admi­nistratibo at hindi kriminal. Puwede naman sigurong gawing case-to-case basis at parusahan nang mabigat yung mga tahasang nagpapakalat ng mga lantarang kasinungalingang naninira sa sino mang personalidad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with