^

PSN Opinyon

Tinatamad ba kayo? Mag-stretch at ehersisyo

DOC WILLIE - Pilipino Star Ngayon

MARAMING benepisyo ang ehersisyo. Nakapagbibigay ito ng sigla, saya at nagpapaganda ng daloy ng dugo sa katawan. Kaya kung tinatamad kayo o nalulungkot, baka kulang ka sa stretch at ehersisyo sa umaga.

Ituturo ko ngayon ang simple at ligtas na paraan para mag-ehersisyo. Magsimula ng dahan-dahan para ma­iwasan ang muscle strain (o pilay).

Sa pag-stretch ng masel ay hindi dapat makaramdam ng sobrang sakit. Ang pakiramdam mo lamang ay ang inuunat ng masel. Malalaman mo ito sa katagalang pag-eehersisyo.

Heto ang simpleng payo ko:

1. Shoulder raise - Itaas ang kamay. Parang inaabot mo ang kisame. Kailangan ay ma-stretch mo ang buong braso at balikat paitaas. Gawin ito ng 5-10 beses lamang. Pakiramdaman mo ang pag-stretch ng iyong braso at balikat.

2. Shoulder shrugs – Galawin paikot-ikot ang iyong buong balikat. Ikut-ikotin ito para lumuwag ang masel sa balikat at sa leeg.

3. Neck stretch - I-stretch ang leeg. Dahan-dahang tumingin sa kanan. I-stretch ang leeg ng 3-5 beses lamang. Pagkatapos ay tumingin naman sa kaliwa. Gamitin ang kamay para bahagyang itulak ang leeg. Pagkatapos ay tumingin naman sa itaas. Gawin ito ng 3 beses lamang. Huwag ito gawin ng sunud-sunod at baka ikaw ay mahilo. Ang mahalaga ay maramdaman mo ang pag-unat ng mga masel sa leeg.

4. Hip rotation - Ikutin ang baywang pakanan at pakaliwa. Habang nakatayo ka ng paharap, subukan mong ikutin ang baywang para makatingin sa likod. Umikot lang sa abot ng iyong makakaya. Gawin ito ng mga 3 beses sa umpisa. Sa katagalan ay puwede mo nang gawin ng hanggang 7 beses.

5. Walk in place - Ihakbang ang mga paa ng nakapuwesto sa isang lugar lamang. Parang sundalo ka na nagmamartsa. Itaas ang paa ng mga one feet habang hinahakbang ito.  Gawin ito ng mga 30 segundo.

Sa katagalan ay dagdagan mo pa ng iba’t ibang ehersisyo. Kung kaya mo na, mainam din ang stomach crunch, stationary bike, push-up at half-squat.

Tandaan: Ang matinding ehersisyo (sa gym at work-out) ay hindi dapat araw-arawin. Dapat ay may isang araw ng pahinga sa pagitan ng iyong ehersisyo. Ito ay para maghilom at makapahinga ang masel.

Pero ang mga ehersisyo na itinuro ko ay puwedeng araw-arawin. Puwede itong gawin ng bata at matatanda. Good luck po.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with