^

PSN Opinyon

Kamandag ng social media

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISANG mainit na isyung tinalakay kahapon sa Senado ang may kinalaman sa pagpapakalat ng pekeng balita lalu na sa social media. Palibhasa’y walang malinaw na batas na magpapataw ng sanction sa mga bloggers na  naghahabi ng mga walang katotohanang istorya na nakasisira sa pagkatao ng sino mang ibig nilang gibain. Sabi nga sa pagdinig sa Senado, hindi ”excuse” ang freedom of expression kung ang mga ikinakalat na impormasyon ay hantarang kasinungalingan.

Halimbawa, puwedeng siraan ang isang Senador sa pagsasabing may balak itong ipagbawal sa mga pampublikong lugar ang mga may sakit na AIDS o kaya mga members ng  third sex. Kahit hindi totoo, natural na ma­galit ang mga kinauukulang tao sa sinisiraang mambabatas.

Iyan ang downside ng social media. Mas matindi ito kaysa mainstream media sa pagsasagawa ng character assassination.

Bilang Chairman ng Philippine Press Institute (PPI), ibig kong banggitin na nagsasagawa ang institusyon ng roadshows at seminars sa iba’t ibang dako ng bansa para magkaroon ng kamalayan ang mamamayan, lalu na ang mga estudyante hinggil sa umiiral na problema. May kahirapang puksain ang problemang ito.

Mahirap tuntunin ang gumagawa ng mga pekeng blog sites na nagpapakalat ng mga pekeng balita na maaaring nagpapalipat-lipat lang ng cyber cafes. Public awareness lang ang kailangan upang turuang maging mapanuri ang mamamayan at gumawa ng sariling pag-analisa at fact-checking upang malaman kung ang balita ay totoo o hindi. Huwag agad-agad maniniwala sa mga balita, lalu na kung galing sa internet. Hintayin na lang ang mga balita sa telebisyon, radio at peryodiko at paghabingin ang mga balita para malaman kung aling balita ang malapit sa katotohanan.

Ngunit papaano kung ang mismong mga nagpapakalat ng fake news ay mga opisyal ng gobyerno?  Si Asst. Secretary Mocha Uson, halimbawa ay isa nang  public official pero kontrobersyal pa rin ang mga balitang ikinakalat niya na mapanira sa mga kalabang personahe ni Presidente Duterte. Dapat, maturuan ang lahat na maging responsible sa paggamit ng kalayaan sa pamamahayag. Dapat din, magkaroon ng malinaw na batas laban sa mga character assassin na ginagamit ang social media.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with