^

PSN Opinyon

Nakaluhod nang barilin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY salaysay, na naman, si Tomas Bagcal, ang taxi drayber na hinoldap umano ni Carl Angelo Arnaiz. At bago na naman ang kanyang salaysay sa mga kaganapan ng Agosto 18. Hindi ko na nga matandaan kung ilang beses na siyang nagbigay ng salaysay sa mga pangyayari, kung saan iba-iba ang mga detalye. May dinadagdag, may pinapalitan. Ngayon, sinasabi niya na nakalabas ang “mas batang kasama” ni Carl Arnaiz sa taxi, umupo sa isang bangketa at nagsisisigaw na hindi siya holdaper, at si Arnaiz lang daw. Tandaan na ilang beses siyang nagbigay ng pahayag na walang kasama si Arnaiz nang holdapin daw siya.

Dinala sila Arnaiz at ang batang kasama sa stasyon ng pulis. Sinamahan daw siya ng isang drayber ng tricycle at tanod. Ang nais lang daw niya ay iwanan na ang dalawang pasahero sa mga pulis, pero sinabihan siya na huwag umalis. Dito na nagpahayag umano ang isang pulis na “itapon na lang” sabay senyas na gigilitan sa leeg. May iba pang mga detalye na dinagdag si Bagcal sa kanyang pinakabagong pahayag. Pinangalanan pa nga ang isang pulis na “Sir Lakay”, dahil Ilokano umano. Nagpaikot-ikot ang taxi ni Bagcal kasama ang ilang pulis­ na naka-motorsiklo. Nakarating sa lugar kung saan pinag­babaril na nga si Arnaiz habang nakaluhod. 

Hindi ko alam kung paniniwalaan pa ng mga otoridad ang bagong pahayag ni Bagcal, pero may testigong humarap sa Senado na nakita raw si Arnaiz na nakaluhod habang binaril, na siyang pahayag din ni Bagcal. Ang nagi­ging malinaw ay hindi nanlaban. Imbis na ikulong at kasuhan para sa isang holdap na tila hindi naman naging matagumpay, “itinapon na lang”. Kung hindi ito extra­judicial killing, ewan ko na lang. Nakuha pa ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na sisihin ang media na pinalalaki lang ang mga pagkakamali ng mga pulis. Kung ganun pala, ang sinasabi ng mga testigo na ginawa ng dalawang pulis kay Carl Arnaiz ay hindi dapat pinala­laki? Hindi nakapagtataka kung mas maraming naniniwala ngayon na may utos sa mga pulis na mag-deliver ng mga patay sa suspek sa iligal na droga, kahit binawi na ni PO1 Vincent Tacorda ang kanyang unang sinalaysay. Ayon sa kanyang salaysay noong May 10, 2017, may utos umano sa kanya na mag-deliver ng lima hanggang 10 patay na suspek sa iligal na droga. Sinabi pa niya na binigay pa sa kanya ang pangalan ng kanyang unang target. Pero lahat iyan binawi na niya, pagkatapos umano ng seryosong “soul searching”. Kayo na ang humusga, at baka sisihin na naman ang media.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with