^

PSN Opinyon

Talo ang pikon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DAPAT, kung may pumupuna sa mga programa o aktibidad ng pamahalaan, ituring itong oportunidad ng mga leader para maisaayos ang mga palatuntunang ipinatutupad.

Nasabi ko ito dahil tinawag na “ingrato” kamakailan ni PNP Chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mga bumabatikos sa war on drugs ng adminis­tras­yon. Naiintindihan nating emosyonal masyado si dela Rosa lalu pa’t natutuligsa ang mga palatuntunan ng PNP na nauukol sa pagpuksa sa illegal drugs.

Ngunit may dahilan namang pumuna ang taumba­yan dahil nabisto na nga ang kapalaluan ng ilang alagad ng batas na umaabuso sa tungkulin at walang habas na pumapatay, sukdulang madamay pati yung mga ino­sente. Ang nangyaring maramihang pagsibak sa mga pulis na pumapatay ng mga inbosenteng kabataan ay pag-amin na totoong may mga abuses na nangyayari sa operasyon kontra droga ng pulisya.

Ani dela Rosa, pati ang mga kritiko ng war on drugs ay nakikinabang naman sa programang ito ng PNP porke gumanda ang kapayapaan at kaayusan sa bansa. Ma­rahil nga ay nabawasan, kung hindi man tuluyang napuksa ang mga krimen dulot ng pagkalango sa droga gaya ng mga brutal na pagpatay at mga rape cases. Pero tila napalitan naman ito ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga binatilyo o menor de edad dulot ng pina­igting na kampanya laban sa mga pushers.

Nabisto rin sa pagtatapat ng mga pulis na umaayaw na sa extra judicial killings na may tagubilin ang mga naka­tataas sa kanila na pumatay ng mga pushers at adik.

Kaya hindi dapat maging balat-sibuyas ang sino mang­ opisyal ng pamahalaan lalu na sa mga pagpuna na may mga basehan naman. Nasa demokrasya tayo at marapat dinggin ang tinig ng lahat ng sector ng lipunan at huwag masamain ang mga negatibong pagpuna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with