^

PSN Opinyon

‘Mooncake Festival’ ng Rotary International District 3810

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Ang Rotary International District 3810, sa pamumuno ni Gov. Emmanuel “Loy” Cosico at ni Great President Tess Tie ng Rotary Club ng Chinatown Manila, sa pakikipagtulungan mga sumusunod na Rotary clubs mula Manila, Pasay, Cavite at Mindoro: RC Bacoor, RC Bagumbayan Manila, RC Carmona, RC Cavite East, RC Dasmariñas, RC Downtown Manila, RC Hiyas ng Bacoor, RC Jose Abad Santos, RC JP Rizal, RC Mabini Manila, RC Magdiwang, RC Malate Prime, RC Manila, RC Manila Claro M Recto, RC Manila East, RC Manila Metro, RC Manila Premier, RC Manila Robinson, RC Manila Supreme 198, RC Manila Sta Ana, RC Manuel Roxas Manila, RC Metro Dasmariñas, RC Pasay Cyber City, RC Pasay MoaGP Fidela Osting, RC Pasay Southeast, RC Raha Sulayman, RC Silang, RC Tondo, World Class Presidents, RC Chinatown Circle, RC Ermita Manila, RC Hiyas ng Maynila, RC Imus East, RC Lubang Island, RC Manila Bay, RC Manila Espiritu Santo Tayuman, RC Manila Kalaw, RC Manila Midtown, RC Manila Pugad Lawin, RC Manila San Miguel, RC Manila South, RC Manila Taft, RC Paco Manila, RC Padre Burgos Manila, RC Pasay, RC Pasay Centro, RC Pasay Maharlika, RC Pasay Silangan, RC Quiapo Plaza Miranda, RC Ramon Magsaysay, RC Sta Mesa, RC Trece Martires, RC University District Manila & RC Uptown Manila.

Muling magdadaos ng taunang “Mooncake Festival” na gaganapin mamayang gabi sa Golden Bay Seafood Restaurant.

Ito ay dadaluhan ng mga nakasuot ng “Chong Sam o kahit anong pulang kasuotan.

Ang festival na ito ang pangalawang malaking pagtitipon na pumapangalawa sa Chinese New Year, at karaniwang ginaganap sa kalagitnaan ng buwan ng Agosto hanggang Setyembre.

Sa araw na ito, nagtitipun-tipon ang mga pamilya at magkakaibigan sa isang salo-salo upang mag-alay ng dasal at pasasalamat.

Kinakain ang “mooncake” kasabay ng pagsasaad ng kanilang pananabik sa malalayong kamaganak at ng panalangin para sa isang matiwasay na pamumuhay at sa pamamagitan din ng “ dragon at lion “ dances.

Dito sa Philippines my Philippines, hindi mawawala ang “Pua Tiong Chiu” o and “Mid-Autumn dice game”. Isa itong simpleng larong nakadepende sa iyong swerte, bata man o matanda ay pwedeng sumali at maaring manalo ng mga samu’t-saring premyo.

OMB supalpal sa AMLC

Sinopla ng Anti-Money Laundering Council si Overall deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang at dahil itinanggi ng una ang mga dokumentong inilabas ni Sen. Trillanes

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinasinungalingan ng AMLC, na sa kanila galing ang mga documents at bank accounts diumano ni Boss Digong.

Sabi nga, malinaw ang diumano’y kutsabahan sa pagitan ni Carandang at Trillanes?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Carandang ay appointee ni P.Noy at umano’y malapit na kamag-anak ni Ricky Carandang na dating opisyal ng kanyang administration.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dati nang umanong sinampal este mali sinampahan pala ng kasong robbery extortion si Carandang regarding sa ini-imbestigahan niyang kaso laban sa isang finance officer ng militar?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malakas umano kina P. Noy at Senator Leila de Lima si Carandang kaya diumano’y naplantsa ang kaso nito.

‘Walang basehan ang bintang diumano ni Trillanes na may bilyong piso sa bangko si Boss Digong dahil ang AMLC mismo ang nagsabi na “misleading” umano ang pahayag ng senador ?

Naku ha!

Ano ba ito?

“We have yet to evaluate the request, and the initiation of an investigation, as well as the release of any report on the subject will depend on such evaluation.” sabi ng AMLC.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  labag sa batas anang AMLC partikular ang Bank Secrecy Law o RA 1405 ang basta-bastang pagpapalabas ng mga transaksiyon dahil karaniwang kailangan ang Court of Appeals ang mag-utos nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro kailangan mag-inhibit si Carandang sa kaso ng bank accounts dahil malinaw diumano na may kinikilingan ito?

Ika nga, kahit wala pang matibay na basehan, mukhang naghuhugas este mali hinusgahan pala diumano niya si Boss Digong?

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with