^

PSN Opinyon

Umarangkada na ang gun ban

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

BABALA sa mga makakati ang kamay sa gatilyo. Nagpakalat na ng checkpoints ang National Capital Region Police Office bilang pagtalima sa gun ban ng Commission on Election. Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde may kaparusahang anim hanggang 12 taong pagkakakulong sa mga mahuhulihan ng baril out side their residence. Sinuspende muna ang permit to carry sa mga civilian kung kaya sa nagnanais na makakuha ng prebilihiyo, mangyaring magtungo ang mga ito sa Come­lec upang makakuha ng exemption.

Ang paghihigpit sa pagdadala ng baril outside residence ay dahil sa election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election. Bagama’t hindi pa napipirmahan ni Pres. Rodrigo Duterte ang pagsuspende ng Barangay at SK eleksyon ay ipinatupad naman ito ng Comelec dahil nga sa nakatakda na ito sa batas. Samantala, ipinaalala ni Comelec Spokesman James Jimenez sa mga interesadong kumandidato na magsisimula ang filing ng certificate of candidacy sa October 5-11 habang aarangkada ang campaign period sa October 12-21.

Palagay ko, walang luku-lokong kandidado ang magpa-file ng kanilang certificate of candidacy kasi nga magagastusan lamang sila sa filing fees. Hehehe! Ito ay bunga ng pagtukoy ni Duterte na halos karamihan sa barangay officials ngayon ay sangkot sa pagpalaganap ng droga sa kani-kanilang nasasakupan. Kung sabagay marami na rin ang naitutumbang barangay officials mula nang ilarga ni Digong ang giyera kontra droga. Subalit magpahanggang ngayon, patuloy pa rin ang paglaganap ng droga.
Ang masakit libo na ang napapatay sa mga ito at libo ang hindi pa natutukoy kung sino ang may pakana sa patayang walang humpay.

Ngayong Comelec gun ban na matitiyak kaya ng sambayanan na matitigil na ang pananalakay ng riding-in-tandem at bonnet gang sa mga pinaghihinalaang pushers/users? May kakayahan kayang tugisin ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang mga berdugong gumagala sa kalye?  Hindi naman kaila sa sambayanan na ang patayang nagaganap ngayon ay karamihan mula sa mga berdugong pistolero. Naging kakambal na ang baril sa droga na hindi nariresolba ng administrasyon ni Duterte.

Sa pagtaya ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa umaabot na sa 1.3 milyon ang sumuko at 109,000 naman ang naaresto sa Oplan Double Barrel Reload. Kaya kung milyun-milyon man ngayon ang nalululong sa droga hindi maitatatwa na libo rin ang loose firearms ngayon na ginagamit ng mga pusakal. Kaya ang napupulaan nito ay ang kredibilidad ng PNP at Chief Bato. Kaya ang payo ko sa inyo mga suki, iwasan po muna ninyong magyabang sa sambayanan na mga pistolero kayo dahil hindi kayo sasantuhin ng mga pulis. Naniniwala ako sa kasabihan na “kung sa bala ka namuhay sa bala ka rin mamamatay”  dahil karamihan ngayon sa mga naitutumba ng mga pulis ay nanlaban umano. Get n’yo mga suki!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with