^

PSN Opinyon

Trillanes, parang asong ulol

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko maintindihan kung bakit si Sen. Antonio Trilla-nes IV ay laging laman ng telebisyon at mga paha­yagan. Isa lang siya sa 24 Senators, habang ang kanyang mga kasamahan sa Senado ay ginagawa ang mga  tungku-ling nakaatang sa kanila eto siya at walang tigil sa pagtahol o pagkontra sa gobyerno at mga kasamahan sa Senado.

Nagtatrabaho pa kaya si Trillanes? Kamakailan lang nag-file ng ethics complaint si Blue Ribbon Committee Chairman Dick Gordon dahil inakusahan ni Trillanes na comittee de absuelto. Hindi sila nagkasundo ni Gordon sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y extra judicial killings at smuggling sa Bureau of Customs (BOC).

Tunay ngang rebelde ang asal ni Trillanes. Ang lakas ng loob na kalabanin si Pres. Digong Duterte. Ano bang pakialam niya kung may pera nga ang Duterte family? Bakit Senator Trillanes, ikaw ba ay walang itinatagong yaman? Mahirap magmalinis ang taong hindi naman malinis.

Kahapon lang, sinabi ni Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio na welcome mag-imbestiga ang Ombudsman sa kanilang pamilya tungkol sa sinasabi ni Trillanes na umano’y bilyones nilang pera. Sang-ayon din ako sa Ombudsman para huminto na si Trillanes sa kakatahol at nakakarindi na ang bibig nya.

At ngayon si Sen. Koko Pimentel naman ang nakikita nIya. Isusulong daw nIya ang pagpapatalsik dito. Ang gusto kasi ni Trillanes ay tanggalin si Gordon sa Blue Ribbon Committee. Sinong gusto niyang ipaupo sa committee, siya?

Hindi bagay kay Trillanes ang maging mambabatas wala nang ginawa kundi kontrahin ang kanyang mga kasamahan, siyempre si Senator Dick dumadaan sa tamang proseso, abogado ‘yan alam niya ang batas.

Senator Trillanes, magpasa ka na lang ng batas kaysa sumatsat nang sumatsat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with