^

PSN Opinyon

63% naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY inilabas na survey ang SWS. Ayon sa survey, 63 percent ng mga Pilipino ang naniniwala na pinatay pa rin ng mga pulis ang mga suspek sa iligal na droga kahit sumuko na. Unang inilabas ng SWS ang resulta na higit 50 percent ang hindi naniniwalang “nanlaban” ang mga suspek na napapatay ng mga pulis.

Binatikos ng Palasyo ang resulta ng pagsusuri dahil humahantong na sa mga inaasahang sagot ang mga tanong. Hindi ako magtataka kung ganito rin ang sasabihin nila sa bagong pagsusuring ito at masama ang imahe para sa kanila. Kapag maganda ang resulta ng pagsusuri para sa gobyerno, puro pagbibida. 

May mga pulis na sinampahan na rin ng kasong murder at pagtanim ng ebidensiya. Mga magulang nila John Jezreel David at Djastin Lopez ang nagsampa ng mga kaso laban sa mga pulis ng Manila Police District. Si Lopez ay kilalang may sakit na epilepsy.

Ang paniniwala ng mga magulang ay kusang pinatay ang kanilang mga anak nang walang dahilan at kalaban-laban. Kaya ganyan ang resulta ng mga pagsusuri, at hindi dahil sa mga hindi patas na tanong.

Naalarma ang 39 na bansa sa nagaganap na tila walang pananagutan ang mga nasasangkot sa pagpatay sa mga suspek sa iligal na droga, mga iba inosente pa nga. Kailangan daw ng bansa na maging bukas sa imbestigasyon sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao.

Pero alam na kapag nababanggit ang salitang “karapatang pantao” sa administrasyong ito, umiinit na ang mga taynga at ulo. Kailan lang ay hindi tinanggap ng Pilipinas ang higit kalahati ng mga rekomendasyon na inihayag sa Universal Periodic Review ng United Nations Human Rights Council, kaya hindi nakapagtataka na sinumbatan na ng gobyerno ang 39 na bansa na hindi magpapadikta kaninoman.

Kung ganito rin lang ang katayuan ng gobyerno, sigurado magpapatuloy ang mga patayan ng mga “nanlaban” umano, pati na rin ng mga sumusuko na, tulad ng paniniwala ng karamihan ng Pilipino. Siguradong lalaki pa ang resulta ng mga gagawing pagsusuri sa mga susunod na panahon. Ika nga ni dating Pres. Fidel Ramos, “patuloy na natatalo ang bansa sa ilalim ni Duterte”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with