^

PSN Opinyon

Dismayado sa drug killing

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

UMALMA ang Philippine National Police sa resulta ng SWS survey na karamihan daw sa mga Pilipino ay dismayado sa nagaganap na patayan kontra droga ni Pres. Rodrigo Duterte.  May katwiran ang PNP dahil sa kasalukuyan, umaabot na sa 85 pulis at sundalo ang napapatay sa pakikipag-engkuwentro sa drug suspects. Idagdag pa rito ang may 204 na nasugatan sa operasyon. Ngunit kung babasehan ang reaksiyon ng sambayanan, mukhang may itinatago ang PNP sa kanilang operasyon kontra droga.

Sa ulat ng PNP umaabot na sa 3,850 drug suspek ang napapatay sa pakikipag-engkuwentro habang umaabot naman sa 107,156 ang arestado na naitala hanggang Set­yembre 16. Ang masakit nito libu-libo pa rito ang naitatala na lamang sa death under investigation dahil mga victim ito ng summary execution  na natatagpuan sa kalye. Idagdag pa rito ang mga pinagbabaril ng riding-in-tandem na naka bonnet kaya hindi matukoy kung ito’y mga miyembro ng sindikato sa droga. Kaya ang napagbubuntunan ng galit ng mga biktima at human rights advocates ay ang malamyang kampanya ng PNP sa pagtugis sa mga pusakal na basta-basta na lamang pumapatay sa kalye na inaakusahang drug pushers/users.

Sa ganitong sitwasyon hindi dapat na magpaapekto ang kapulisan sa pagtuligsa sa kanila ng Pilipino communities dahil hindi naman kaila sa sambayanan na ang droga ang numero unong problema ng administrasyon ni Digong. Sa kabila ng walang humpay na pananalakay at pakikipag-engkuwentro ng kapulisan sa mga pinag­hihinalaang tulak ng droga marami pa rin sa ating mga kababayan ang patuloy na tumatangkilik sa bawal na gamot. Patunay lamang nito na walang takot ang ilan nating mga kababayan sa idineklarang giyera kontra droga  ni Duterte. Ang resulta nito, halos araw-araw laman ng mga pahayagan ang patayan at dose-dosenang naaarestong drug pushers/users. Malaking hamon ito sa liderato ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang ipinalabas ng SWS.

Kung magpapatuloy ang patayan kontra droga malinaw na malamya o nagiging agresibo ang kapulisan. Panahon nang mapondohan ang PNP para may ipambili ng mga body camera upang mai-record ang mga operasyon kontra droga para mawala ang agam-agam ng sambayanan na inaabuso ng mga pulis ang kanilang kapangyarihan. Sa puntong iyan maibabalik ang tiwala ng sambayanan sa PNP. Kasi, kung may nasusuklam sa ilang operasyon ng pulisya kontra droga, marami pa rin naman ang nagnanais na huwag nang tigilan ng kapulisan ang pagtugis sa mga salot na pushers/users dahil ito ang ugat ng krimen sa bansa.

Samantala, May bumulong sa akin na super ang dating nitong trustedman o chief of staff ng isang mayor sa  isang malaking lungsod. Dahil sa kanyang pangyarihan walang ginawa ito kung di umiikot sa iba’t ibang  service departments ng LGUs at humihingi ng plnagkakakitaan. Ngunit komo walang ganyang mga gawain ang mga hepe dahil mahigpit nilang ipinatutupad ang good governance policy ni Mayor, pilit nitong pinagagawa ng pagkakakitaan sa kanyang mga galamay para ibigay sa kanya. Aba! Isa palang lawyer ang katiwala ni Mayor na ito, e yun pala ay katiwaldas at ubod ng takaw. Pati raw sa mga bidding ng mga procurement ng lungsod, si Lawyer ang humaharap sa mga contractor at ang gusto ay laging may overprice para sa kanya. Aba, Mayor, mag-ingat at baka sumabog ang ginagawa ng katiwaldas mo sa iyong mga kamay na wala kang kamalay-malay! Hehehe!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with