^

PSN Opinyon

Droga, impossible war?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

WALANG patumangga ang giyera ng pamahalaan kontra droga. Umaangal na nga ang iba sa dami ng mga taong napapatay kaugnay ng pakikidigma laban sa droga, pero tila hindi pa rin yata nababawasan ang bilang ng mga adik sa ating bansa, kaya namamayagpag pa rin ang ilegal na negosyong ito.

Tingin ko nga’y pati si Presidente Duterte ay hindi na naniniwala na kaya niyang sugpuin ang problemang ito sa kabuuan ng kanyang termino. At paano ba namang mapupuksa ito kung ang mga taong dapat tumulong sa pagsugpo ng problema ay siya mismong sangkot dito? Matagal na natin alam na may mga pulis na sangkot sa pangangalakal ng droga. Pero nakakasindak ang bilang na tinuran kamakailan ng Pangulo: Siyam na libong pulis sa buong bansa ang direktang kasangkot sa drug traf­ficking!

Anang  Pangulo sa kanyang mensahe kamakalawa sa Balingiga, Eastern Samar, nasa 9,000 pulis ang sangkot sa illegal drugs. Noong kauupo pa lang sa puwesto, sinabi ng Pangulo na masusugpo niya ang drug problem sa loob ng anim na buwan. Natapos ang anim na buwan, tila lalung nanggigigil ang mga drug lords, kaya sinabi ng Pangulo na walang sino mang Presidente ang kayang masugpo nang ganap ang drug menance.

Siniguro ng Pangulo na hindi maglulubay ang kanyang administrasyon sa giyera kontra illegal drugs dahil nais niyang tapusin ito sa ilalim ng kanyang termino. Ka­ilangan siguro ang total overhaul ng Philippine National Police kaugnay nito. Tukuyin ang mga top officials na sangkot sa droga pati na ang mga pulis na may mababang ranggo at pag-usigin at patawan ng karampatang parusa.

Kawawa naman ang mga tapat at malinis na pulis at pati sila’y nadudungisan sa masamang imaheng ipinipinta ng mga pulis na sangkot sa pangangalakal ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with