^

PSN Opinyon

Kung China kaya?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PATI sa karagatan ay may “nanlaban” na rin? Ito umano ang naganap sa pagpatay sa dalawang mangingisdang Viet­na­mese. Namataan ng Philippine Navy ang barkong pangisda ng mga Vietnamese na patungo ng Subic sa may karagatan ng Pangasinan, 34 nautical miles mula sa Cape Bolinao. Pasok ito sa ating exclusive economic zone kaya bawal sila mangisda sa nasabing karagatan. Dalawang Vietnamese na mangingisda ang napatay, at lima ang inaresto. Na­ngako naman ang gobyerno sa Vietnam ng patas at masinsinang imbestigasyon sa insidente. Makikipag-ugnayan sa Vietnamese embassy sa kabuuan ng imbestigasyon.

Walang lumalabas na ulat na armado ang mga mangi­ngisda nang mahuli na sila. Ang sinasabi ng Navy ay peligroso ang kinilos ng mga mangingisda nang sitahin na sila. Nagpaputok daw ng “warning shots” ang Navy. Binangga pa nga ang kanilang barko ng barkong pangisda. Ilang ulit pinasusuko, pero tumakbo lang daw, hanggang sa tumigil. May mga tama ng bala ang dalawang patay na mangi­ngisda, may tama rin ng bala ang kanilang barko. Hindi pa malinaw kung ang Navy nga ang nagpaputok ng mga tama na ito. Pero hindi nga sila armado, at walang nakuhang armas sa kanilang barko. Mga isdang nahuli lang ang nakita sa kanilang barko, walang ibang kontrabando. Nakakulong ngayon ang limang mangingisda sa Bolinao.

Pero marami na kaagad ang nagtatanong na kung ang mga barko ay taga-China, ganundin ba ang magi­ging reaksyon ng Navy, hahabulin din at papuputukan ng “warning shots”, o pababayaan na lang, dahil “hindi natin kayang labanan ang China”? Kung ganun kaya pala natin ang Vietnam? Ilang barkong pangisda ng China ang halos sa Panatag Shoal na nakadaong. Ni hindi nga makapasok ang ating mga mangingisda sa loob ng Panatag, at sa labas lang pinapayagan ng mga malalaking barko ng China. Nasa loob din ng ating exclusive economic zone ang Pa­natag Shoal. Siguradong hindi matutuwa ang Vietnam sa insidenteng ito, kahit ipaglaban pa ng gobyerno na bawal ang ginawa ng kanilang mangingisda. Huwag lang sana lumaki ang insidente, at maganap nga ang maayos at patas na imbestigasyon. Hindi natin kailangan ng katunggali sa ASEAN, lalo na’t may isyu rin ang Vietnam sa China.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with