^

PSN Opinyon

Ang code of silence sa mga Fraternities

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DAPAT patunayan ng lahat ng lehitimong fraternities­ na mabuti ang adhikain at adbokasya ng kanilang orga­nisasyon sa pamamagitan ng pagsasa-isantabi sa kani­­lang code of silence kapag ang situwasyon ay nanganga­ilangan ng paghahatid ng hustisya. Kadalasan, ang kaso ng mga namamatay dahil sa fraternity hazing ay hindi nagtatamo ng tunay na hustisya dahil sa “takipan” ng mga frat brothers.

Maidemanda man ang mga kasangkot, kapag minalas na mapunta sa kamay ng mga hukom na “ka-brod” ang kaso, malamang maabsuwelto ang mga idinidemanda kung hindi man mapatawan ng pinakamagaan na sentensya. Mapapansin din natin na ang mga naipupuwesto sa mga mataas na posisyon sa pamahalaan ay kadalasang ka-brod ng mga top appointing officials. Sana, mawala na ang hindi kanais-nais na kulturang ito.

Sa pagdinig ng committee on public order ng Senado sa pangunguna ni Sen. Ping Lacson sa sinasabing prime suspect sa fatal hazing ng UST law student na si Horacio “Atio” Castillo, tiniyak nito na isisiwalat niya sa kanyang ihaharap ng affidavit ang mga personalidad na kasangkot sa naturang initiation na mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity. Pero binigyang diin ng naturang suspect na si John Paul Solano, isang medical technologist na naroon siya sa eksena dahil humingi ng saklolo ang kanyang mga ka-brod upang bigyan ng medical assistance ang nawalan na ng malay na si Castillo. Sa kasamaang palad ay namatay ito at si Solano daw ang nagdala sa paga­mutan.

Tama si Sen. Bam Aquino sa kanyang panawagan na dapat huwag pagtakpan ng mga fraternity brothers ang pangyayari at pangalanan ang mga dapat managot sa insidente. Mga law students pa na­man sila at dapat lang na kakampi sila ng batas at hindi dapat makipagsabwatan sa kriminalidad. Dapat naman, magpataw rin ng karampatang sanction ang mga fraternity laban sa kanilang mga kasapi na umaabuso. Maganda ang fraternity pero dapat pangalagaan ang integridad nito laban sa mga abusadong fratmen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with