^

PSN Opinyon

Reliable ba ang drug matrix

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TATAYO ba’ng matibay na ebidensya sa Korte ang mga isinisiwalat na drug matrix ni Pangulong Duterte? Ang drug matrix ay nagtatala sa pangalan ng mga sinasabing­ opisyal ng gobyerno na kumakanlong o kasabwat ng mga drug lords.

Noong Biyernes, naglabas na naman ang Pangulo ng  bagong “drug matrix” ng mga pulitiko at mga pinaghihinalaang drug lords na aniya’y nagpopondo sa kaguluhan sa Marawi City.

Madali kasing gumawa ng listahan. At kung ang gumagawa ay may kagalit na pulitiko, madaling ilagay ang pangalan ng pulitikong kagalit niya sa talaan ng mga drug lords o protectors. Ang mga ganyang listahan ay hindi naman tatanggaping ebidensya ng Korte  para isulong ang ano mang demanda sa mga sinasabing dawit sa droga.

Maging sa media ay may naglalabas ng mga tinatawag na “white papers” na doo’y nakalista ang pangalan ng mga media personalities na tumatanggap ng payola sa kung saan-saang ahensya. Pero kadalasan ay puro pekeng impor­masyon ang nakasaad sa mga white papers na iyan.

Kahit noong nagsisimula pa lang ang drug war, may mga nauna nang ipinalabas na matrix si Duterte na kina­bibilangan ng ilang gobernador at mayor. Nabanggit­ pa sa national broadcast ang pangalan ng mga ito na ang ilan pala ay hindi naman totoong kasangkot sa droga.

Kaya nailagay sa kahihiyan yung mga taong hindi naman pala guilty. Mas mabuti sana kung gawing confidential ang listahan ng mga taong sangkot sa droga at kung may sapat na ebidensyang tatayo sa Korte laban sa mga ito, ipagharap na sila ng karampatang demanda.

Kaugnay ng kanyang bagong matrix, sinabi ng Pangulo na nagtrabaho ang intelligence community upang matukoy kung saan nanggagaling ang pondo ng Maute group na nanggulo sa Marawi City na hindi nauubusan ng mga pampasabog, bala at gamit. Ewan ko. Baka isa na namang strategy ang ginawa ng Pangulo katulad ng kanyang paglalahad sa umano’y higanteng bank deposit ni Sen. Trillanes na nasa ibang bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with