^

PSN Opinyon

‘Naloko na to the max!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

(Millennial People Power)

KAMAKAILAN, ginamit ng Liberal Party ang salitang People Power Millennial Version. Salitang maaaring pauso, pakana o pautot ng LP sa henerasyon ng mga kabataang nasa edad 15 at hindi lalampas sa 35. Masyadong malawak ang salitang millennial, maraming ekspertong sinusubukang hatiin ang dalawang henerasyon; edad 15-24 at 25-35. Ito ay kung pag-uusapan ang age bracket. Subalit, mahalagang makita ang social class, estado ng pamumuhay ng pamilya o “economic status”.

Hinay-hinay lang dapat ang LP sa paggamit sa salitang millenial people power. Para kasing nilahat ang millennial at nilagay sa iisang “social class” at ang mga tinutukoy ay `yung may mga kaya sa buhay. Kung susuriin,  mauuwi lamang sa maliit na porsiyentong anak ng maya­yaman, anak ng mga angat sa buhay o `yung mga nasa kalagitnaan ng middle class, at mangilan-ngilang upper middle class. Ang hindi nakikita ng LP, napakalaki ng porsiyento ng mga anak ng nasa lower middle class, working class, above poverty line at below poverty line.

Ang mga ito`y hindi makikita sa Ateneo at La Salle; mga kolehiyo tulad ng Miriam, St. Scholastica at Assumption. Kabilang dito ang mga kolehiyo sa Mendiola at sa Intramuros na hindi ko na babanggitin. Ang mga millennial na anak ng mga may kaya sa buhay at maya­yaman, sila yung pwedeng magbabad sa lansangan. Hindi puwedeng magutom, sapat ang salapi at walang problema sa mga allowances, kung rally ang pag-uusapan na ang pasimuno ay Simbahang Katolika.

Sila `yung tinutukoy ng LP na millenial people power. Hindi kasama rito ang mga anak ng mga nasa lower middle class, working class, above poverty line at below poverty line. Ang tanging inaatupag ng mga millennial na na-ichapuera ay seryosong pag-aaral para makatapos agad. Hindi sapat ang kanilang allowance para magbabad sa lansangan. Sila yung mga millennial na tanggap ang kasaysayang totoong nangyari ang Martial Law subalit hindi naranasan ang mga ipinagduduldulang kalagiman, pang-aabuso at mga kasamaang naganap noong martial law.

Ang kanilang mga magulang ay iba ang pananaw sa martial law noon at nabahagi na agad ito sa kanilang mga anak na ang naranasan ay pabor sa mga ginawa ng tinawag ng dilawan na diktador na si Marcos. Sino ba sa atin ang may kakayanang baguhin ang kasaysayan o tinatawag na “revisionist”? Paano kung ang malaking porsiyento ng millennial ay hindi mo makumbinsi sa mga sinasabing karahasan daw ng martial law noon? Paano kung ang mga magulang ng mga mayoryang millennial o  boomers na nasa edad 56 pataas ay naniniwalang ang martial law noong panahon ni Marcos ay tinawag na golden years? Naloko na!

Ang tanong, paano nagkaroon ng People Power Millenial Version kung ang mga ito ay hindi pa ipinapanganak noon? Anong klaseng memorya na meron sila kung hindi pa nila naranasan maliban lang sa mga turo sa libro na salungat naman sa turo ng kanilang mga magulang?

Sa salitang millennial, lalong “naloko na to the max”!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with