^

PSN Opinyon

Ang Mangga

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Sa likod ng aming maliit na dampa

ay maraming punong sumibol na kusa

May niyog, mangga, kaymito may suha

santol, sinegwelas at may makopa

 

Sa lahat nang ito’y iisa ang  puno

na gustong-gusto ko ang pagkakatubo

At ito’y ang manggang lubhang matipuno

at ang mga dahon lilim na buo

Sa bawat pagbayo ng hanging malakas

ang ugat at puno ay hindi matinag

bagamat maraming dahong nalalagas

susupling na muli kapag namulaklak

 

Ang bulaklak nito kapag nanlagas na

ay sinisibulan nang maraming bunga

kulay dilaw ito kung nasa puno pa

at ang korte’y puso ng isang dalaga

 

Kung medyo hilaw pa ito ay may asim

na sa naglilihi’y kay bangong samyuin

kung ito’y hinog na sa magkasing giliw

ang buto at pisngi’y dalisay kainin

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with