^

PSN Opinyon

Kapalmuks

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

KAMUNTIK na akong masuka sa panukala ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na kung maaari ay huwag daw sitahin ang mga mambabatas dahil lamang sa mga minor na traffic violation sa lansangan. May saltik na yata si Cong. Fariñas! Eh si Pres. Digong nga ayaw sa special treatment saan man siya magpunta, tapos ikaw dapat palampasin pag gumawa ng pagkakamali sa lansangan. Who you? Kaya nga ginawa ang batas para sundin nating lahat kayo mismong mga mambabatas ang gumagawa ng batas tapos gusto n’yo exempted kayo. Kapalmuks naman kayo.

Kung gusto ng mga mambabatas na ito na hindi mahuli sa session sa Kamara, maglaan nang mahabang oras sa biyahe tulad ng ginagawa nang marami nating kababayan. Iwasan n’yo namang gawing mas mataas pa sa President ang posisyon n’yo. Di ba hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga congressman ang gumagamit ng plakang numero 8 samantalang pinasasauli pa yan ni Digong. Mga walang pakundangan kung magpaharurot ng kanilang mga sasakyan sa kalye. Hindi magkamayaw ang kanilang mga escort na humawi ng mga motorista para bigyan ng daan si Congressman.

Ang batas trapiko ay para sa ating lahat, dapat wala itong kinikilingan, kaya nga ginawa ang batas para sundin natin. Hindi ito para lang sa amin dapat kasali din kayong mga gumagawa nito. Wala dapat special treatment sa pagpapatupad ng batas. Mabuti naman hindi pinalampas ng Malacañang ang panukala ni Fariñas. Kahit pa sinasabi ni Fariñas na nakalahad ito sa Constitution, kapag nakagawa ka ng pagkakamali dapat kang managot. Maging sino ka pa!

Alalahanin n’yo taumbayan ang nagluklok sa inyo sa pwesto at sa ibinabayad din naming buwis galing ang sinusuweldo n’yo kaya dapat parehas tayong sumunod sa batas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with