^

PSN Opinyon

Bakit may mga pekeng salaysay?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SUMUKO na si John Paul Solano, isa sa tatlong naunang pangunahing suspek sa pagpatay kay Horacio Castillo III dahil sa hazing. Ayon sa kanya, hindi siya nakilahok sa hazing. Tinawagan lang daw siya para magbigay ng medikal na tulong. Hindi doktor si Solano, kundi med-tech. Nagkakagulo na raw ang fraternity ng gabing iyon. Isa siya sa mga nagdala ng bangkay ni Castillo sa Chinese General Hospital (CGH). Ayon sa kanya, sinubukan pa raw niyang tulungan si Castillo, nang makitang “half-dead” na raw. Binigyan daw ng CPR.

Pero batay sa CCTV, at sa salaysay na rin ng guwardiya ng CGH, hindi dumeretso sa emergency room (ER) ang sasakyan na nagdala kay Castillo. Pumarada at nagtanong pa raw si Solano kung ano ang proseso kapag pasyenteng may mga pasa ang dadalhin sa ER. Sa aking pagkakaalam, walang proseso ang magdala ng pasyente sa ER. Kaya nga ER iyan ay para mabigyan agad ng unang lunas ang pasyente. Kung med-tech siya, alam niya dapat iyon. Kapag nagdadala ng pasyente sa ER, kulang na lang ay ipasok mo ang buong sasakyan sa pinto para nga makuha kaagad ng mga doktor at nurse ang pasyente, hindi ba? Kaya nakapagtataka na nakuha pang pumarada ang mga ito bago idinala si Castillo sa ER. May dala kang tao na hindi na nga humihinga, magtatanong ka pa sa guwardiya kung ano ang proseso? Nakapagtataka ta­­laga.

Kailangang pag-aralan nang husto ang bagong pahayag ni Solano. Una nang nagbigay ng pekeng salaysay sa mga otoridad hinggil sa natagpuang katawan ni Castillo. May pananagutan din dapat ito. Malinaw na nililinlang ang mga otoridad. Bakit? Katulad ni Tomas Bagcal, ang taxi driver sa kaso ni Carl Angelo Arnaiz. Ngayon, may iba na namang salaysay, pang-apat na yata niya. Noong una, sinabi na walang kasama si Arnaiz sa kanyang taxi. Ngayon, kasama raw si Reynaldo de Guzman sa taxi. Una, sinabi na hindi pumutok ang baril na dala ni Arnaiz, kaya siya nakalaban. Ngayon, patalim daw ang ginamit ni Arnaiz nang magdeklara ng holdap, habang tulog daw si “Kulot”. Ewan ko, pero sa dami ng salaysay na ibinigay ni Bagcal, tama lang na makasuhan din siya at tila wala nang kredibilidad. Kung kailan magsasabi na ng katotohanan ay hindi pa natin alam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with