^

PSN Opinyon

Humarap na kung haharap

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HANDA na raw lumutang at humarap sa imbestigasyon ang mga miyembro ng Aegis Juris fraternity ng UST na nakilahok sa hazing ni Horacio Castillo III, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Pero hangga’t hindi pa nagpapakita sa mga awtoridad, puro salita pa lang iyan. Humarap na sila kung haharap. Ilang araw na ang lumipas nang dalhin ang katawan ni Castillo sa Chinese General Hospital ng tatlong itinuturing na ngayon na pangunahing suspek, sina John Paul Solano at ang mag-amang Antonio at Ralph Trangia. Ayon sa Bureau of Immigration, isang Ralph Trangia ang nakaalis na ng bansa noong Martes ng madaling araw patungong Taiwan, at nasa US na. Hindi ako magtataka kung may mga malalakas na koneksyon ang taong ito kaya nakaalis kaagad bago malagay sa lookout bulletin. Duwag.

Labinlima na ang inilagay sa immigration lookout bulletin order (ILBO), dahil iimbestigahan na kaugnay sa krimen. Krimen lang talaga ang puwedeng ituring sa pangyayaring ito. Hindi lang umabot ang nasabing bulletin para mapigilan sana ang pag-alis ni Trangia. Malaking sala ang ginawa ng taong ito kung hindi na nga ka­yang harapin ang hustisya at tumatakbo na. Habambuhay na siyang magtatago at tatakbo mula sa batas, isang pugante. Dapat talaga may kasunduan ang mga bansang madalas takbuhan ng mga ganyang kriminal, tulad ng Taiwan, Hong Kong, mga bansa sa Gitnang Silangan at US. Hindi rin dapat pumapayag ang mga bansang ito na takbuhan sila ng mga kriminal. Dapat hinuhuli rin sa kanilang bansang tinatakbuhan para maibalik sa bansa at humarap sa hustisya. Ito ang dapat pag-aralan ng mga mambabatas at ng gobyerno. Lagi na lang ganyan, may nakakaalis ng bansa. Ayon sa NBI, makikipag-ugnayan sa Interpol para mahanap si Trangia at mabantayan, at kung maaari ay mahuli kapag nararapat na. Dapat lang para hindi makapahinga si Trangia.

Walang saysay ang lahat ng pahayag ng Aegis Juris hangga’t hindi pinahaharap sa otoridad ang mga tinuturing na suspek. Napakalakas ng panawagan sa mga ito mula sa maraming sektor na sumuko na. Ilang araw na nga ang nakaraan magmula nang mabalita ang pagpatay kay Castillo, pero wala pang kumikilos. Baka nagkakandarapa na maghanap ng mga padrino at malalakas sa gobyerno o sa pribadong sektor para hindi tuluyang makulong kapag nakasuhan na sila lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with