^

PSN Opinyon

Anti-Hazing Law palawakin pa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAPAG sinabi nating “fraternity” agad sumusuot sa ating isip ang mga organisasyong nasa mga pamantasan, o yung mga lehitimo at duly accredited. At iyan lang ang sinasakop ng kasalukuyang Anti-Hazing Law na inakda ni dating Sen. Joey Lina noon pang dekada ’90.

Tila nakaligtaang isali ng batas na ito yung mga ilegal na samahan gaya ng mga fraternity gang na nasa mga mataas na paaralan at pati yung sa mga kabataang hindi nag-aaral. Yung mga kabataang nambabato ng mga sasakyan sa highway, pati na yung mga tinatawag na “batang hamog” na lumalanghap ng nakalalangong rugby. Nakababahala na sa murang gulang, ang mga kabataang ito’y nasasangkot sa mga rambol. Higit na naka­kabahala na kahit ang mga paslit na ito ay armado ng mga paltik na baril.

Kaya isang bagong batas ang binubuo ngayon sa Kamara de Representante. Hindi lamang ang mga malalaking unibersidad ang saklaw ng panukalang anti-hazing law kundi maging ang mga fraternity at gang sa mga Barangay at High Schools.

Inihain ang naturang bill ni Bagong Henerasyon Party­list Rep. Bernadette Hererra-Dy. Sakop din ng House Bill 3467 ang mga gang, sorority, at frat na nakabase sa mga barangay at high school na maaaring gumamit ng hazing sa initiation rites at mga aktibidad nito.

Sa ilalim ng panukala ay mananagot pa rin ang mga nagsagawa ng hazing kahit na anong uri ng porma ng pagmamaltrato sa biktima at kahit saan man mangyari ang initiation rites, sa loob man o labas ng eskwelahan.

Sa palagay ko, sa kaso ng mga menor de edad na miyembro ng mga gang na gumagawa ng mga pag­labag sa batas, dapat ding panagutin ang mga magulang na tiyak na nagkukulang sa pagpapalaki ng wasto sa mga kabataang ito. Ang problema ng juvenile delinquency ay dapat matuldukan dahil ang mga napapariwarang kabataan ang siyang magiging criminal sa hinaharap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with