PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi inosente

NGAYONG ibabalik na ng Mababang Kapulungan ang budget ng Commission on Human Rights (CHR) sa na­unang ipinanukala, panatag na ang loob ng karamihan. Hindi naman talaga seryoso ang mga Kongresista sa tangkang paglimita ng budget sa isang libong piso lang.

Pagboto lang sa 2nd reading ang nangyari sa pinagkaguluhang P1,000 slash. Talaga namang dadaan pa ito sa 3rd reading. Pagkatapos nun, magbabalangkas ang bica­meral conference committee ng kanilang report at kanilang pagbobotohan. Sa huli, may last chance pa rin sa pagboto ng buong Kamara sa Conference committee report. Kulang kulang tatlo pang stop light ang dadaanan ng panukalang CHR budget bago tuluyang maging batas.

May obserbasyon lang ako roon sa mga umangal sa paghalintulad ng mga mambabatas sa institusyon ng CHR sa pinuno nitong si Chito Gascon. Dinamay daw ang CHR porke’t galit sila kay Chairman Gascon.

Mali nga ang ganitong pag-iisip. Ang CHR ay institus­yong kritikal sa proteksyon ng ating karapatang pantao laban sa pang-aabuso ng pamahalaan. Kapag nasuya ang mga mambabatas sa Chairman, hindi solusyon ang pagtanggal ng CHR budget dahil, sa huli, tayong mamamayan din ang maaagrabyado.

Hindi ito nangangahulugan na walang kinalaman si Chairman Gascon sa maling pag-unawa ng mga Kongresista. Si Chairman naman kasi ang naunang nagpamukha sa Kongreso na ang boto para sa CHR budget ay boto din para sa kanya. Saksi tayo dito nang, pagkatapos ng botohan, pinasalamatan nito ang 32 na bumoto ng NO sa aniya’y suporta nila sa kanya. Itinuring niyang vote of confidence kay Chito Gascon ang boto ng mga nanindigan.

Sus ko po, napakalayo nito sa katotohanan. Marami sa mga nag-NO ang hindi natutuwa kay Chairman maging noon man o ngayon. Lalo na sa mga distrito kung saan nabalitang hindi inaksyunan ng CHR ang mga reklamo laban sa nakaupong opisyal. Mga opisyal na miyembro ng isang partidong pinaboran.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

Kung naging personal man ang usapin ng CHR budget, walang masisisi si Chairman Gascon kung hindi ang kanyang sarili.   

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: