^

PSN Opinyon

‘Ping at Trililing, nagkakaigihan?’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

“HATS OFF and I really admire him for that,’’ eto ang mga makahulugang salitang binitawan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson para kay Sen. Antonio Trillanes III.

Ang dahilan ng matinding paghanga, ang pagpirma ni Trillanes ng bank waiver at pagtungo nito sa Singapore upang personal na pabulaanan ang umano’y isa sa mga offshore accounts niya.

Very passionate ang komendasyon ni Sen. Ping kay Sen. Trililing este Trillanes. May namumuo bang something sa dalawang senador dahil biglang nag-iba ang ihip ng hangin? Ang tanong, ano kaya ang gayumang ginamit ni Trililing kay Ping at tila nagkakaigihan at nagka­kaunawaan silang dalawa? In fairness, iba ang powers at karisma mo ha Sen. Trillanes.

Kasi naman, bigla-bigla kasi etong si Sen. Lacson sa kanyang matinding paghanga sa kasinungalingan este sa patotoong ginawa ni Sen. Trillanes. Ehem Sen. Ping, ‘wag naman sana mabigla ang publiko na isang araw, kakulay ka na rin ng kanilang samahan. Malayung-malayo pa ang susunod na eleksyon, subalit nag-uumpisa nang maging abala sa pagluluto sa kusina.

Tila dumadako na ang ilan sa “balimbingan portion”, nagkakaamuyan, nagkakabalatan na ng tunay na kulay, nahuhubad na ang mga suot na maskara at sa huli niyan magugulat ka na lang, todo join na sa tunay na federas­yon! Ako talaga’y napapaisip sa mga kaganapang ito. Sa aking programang BITAG Live kahapon, pinulsuhan ko ang taumbayan na aktibong nanood at nagmensahe sa programa ukol sa isyung ito.

Samu’t saring reaksiyon, may kanya-kanyang punto at interpretasyon sa nangyari. May ilan pa nga, malisyoso rin.

Nalilito ka na ba sa mga mensaheng nababasa mo sa kolum na ito? Manood ka kasi ng BITAG Live tuwing umaga, alas-8 hanggang alas-9, Lunes hanggang Biyer­nes sa PTV4, simulcast sa Radyo Pilipinas.

Mapapanood din via live streaming sa BITAG Live facebook page, para hindi ka nahuhuli sa mga no holds barred at matalinong pag-aanalisa ng mga kaganapan sa bansa.

Level up na si Juan dela Cruz ngayon, hindi katulad ng bespren kong hulog sa patibong ni Presidente Digong, ob-ob at eng eng pa rin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with