PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Editoryal - Huwag na raw sitahin si Cong sa traffic violations

MAY mga drayber ng sasakyang numero “8” ang lumalabag sa batas ng trapiko. Hindi rin iginagalang ng mga ito ang traffic enforcers. Dahil Numero “8”, malakas ang loob na mag-overtake sa kapwa motorista. Kahit dilaw na ang ilaw sa traffic­ light, tuluy-tuloy pa rin at walang pakialam. Sa batas sa trapiko, ang dilaw sa traffic light ay warning­ para bumagal tumigil at hindi para magmabilis. Kara­mihan din sa mambabatas ay walang pakialam kung humawi ng mga motorista kapag nagmamadali sila. Meron pang escorts na “motorcycle cop”.

Pero sa kabila nito, nais pa ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na bigyan pa ng kaluwagan ang mga katulad nilang mambabatas habang nasa kalye. Samo ni Fariñas, huwag na raw sitahin ng traffic enforcers ang mga mambabatas na masasangkot sa maliliit na traffic violations. Huwag na raw abalahin ang mga ito.

Ipinaliwanag ni Fariñas na nakasaad sa Sali­gang Batas na immune sa aresto ang mga mamba­batas na may sesyon sa Kongreso. Ganunman, nili­wanag ni Fariñas na kapag ang violations ay may katumbas na pagkakulong ng anim na taon, hindi ito sakop ng immunity.

Hindi magandang halimbawa sa mamamayan­ ang balak ni Fariñas na huwag nang abalahin ang mga mambabatas na masasangkot sa maliit na traffic­ violations. Porke ba mambabatas sila ay palalam­pasin na lang. Hindi naman tama ito. Dapat pa nga ay ang mambabatas ang magbigay ng halim­bawa sa mamamayan na sumunod sa batas trapiko. Dapat ang mga mambabatas ang unang-unang dapat sumuway sa batas.

Katwiran ni Fariñas, nagmamadali ang mga mambabatas dahil may session kaya maaring maka­gawa ng traffic violations. Gaano naman nakasi­guro si Fariñas na patungo sa session ang mam­babatas kaya nagmamadali. May mga sasakyan na “8” ang plaka ay nakikitang nakaparada sa mga KTV club at iba pang bahay aliwan.

Hindi dapat mangibabaw sa batas ang mga mam­babatas. Pare-pareho dapat kapag nasa kalsada. Sila ang dapat magpakita ng halimbawa sa mga moto­rista o taumbayan na nagpapasuwedlo sa kanila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: