^

PSN Opinyon

Aksidenteng Maiiwasan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AKSIDENTE na maiiwasan sana. Patay ang mag-asawang nakasakay ng motorsiklo nang masagi ng kable na nahila ng trak sa Congressional Ave. Nakataas ang loader ng trak na minamaneho ni Raly Brent Reyes nang masagi niya ang mga kable. Nasagi ang mag-asawa at tumilapon sa kalsada. Naputol ang isang poste na sinundan din ng nahilang pangalawang poste. May nabagsakan pang sasakyan pero ligtas ang drayber nito. Hindi raw alam ng drayber ng trak na nakataas ang loader. Pero sinabihan daw siya ng isang tindera, hindi raw niya narinig. 

Wala bang indikasyon sa loob ng trak kung nakataas, kahit bahagya man, ang loader, lalo na kung paandar na? Sa tingin ko meron iyan. Sa tingin ko may mga warning na ilaw at tunog kung nakataas pa ang loader at paandar na. Hindi kasi dapat napapatakbo ng mabilis ang trak na nakataas ang loader. Kung hindi nakita o walang narinig ang drayber, siguro sira, hindi gumagana. Pero sigurado ako meron iyan. Patunay na naman sa kakulangan ng pagsasanay, lalo na sa safety, ang mga drayber ng ganitong mga espesyal na sasakyan. Kung hindi gumagana ang nagbibigay indikasyon sa estado ng loader ng trak, dapat aktwal na tinitingnan ng drayber, bago umandar, kung sa pag-iingat lang. Dapat awtomatik na iyan sa drayber at pahinante.

Ito ang mahirap kapag kumukuha ng mga drayber na pagmamaneho lang ang alam gawin. Kung laging pag-iingat ang nasa isip ng mga operator ng malalaking sasakyan, sigurado ako mababawasan ang mga walang saysay na aksidente sa kalsada. Kung laging nasa maayos din ang mga sasakyan o kagamitan, partikular mga kontrol at ins­trumento ng drayber at pahinante, mas ligtas ang paggamit ng mga ito. Dito nagkukulang ang maraming kompanya. Masinsinang pagsasanay sa kanilang mga tauhan. Magastos kasi ang isailalim sa maayos na pagsasanay ang isang empleyado, kaya minamadali lahat para mapakinabangan na. Ito naman ang kapalit. Tiyak mas magastos ang sagutin ang lahat nang nasira ng trak, mga poste, sasakyan, kable, pati na mga buhay na nasayang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with