^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Gumawa nang maraming kalsada

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Gumawa nang maraming kalsada

LAHAT na nang paraan ay sinubukan para mapa­luwag ang trapik sa Metro Manila pero wa-epek pa rin. Sinubukang alisin ang mga provincial bus terminals sa Cubao area, isinara ang mga illegal terminal, binaklas ang lahat nang illegal sa sidewalk, inalis ang mga nakahambalang na sasakyan at iba pang obstructions. Pero lalo pang sumikip ang mga pangunahing kalsada particular na ang EDSA at tila wala nang pag-asa pang lumuwag. Mabagal pa sa pagong ang usad ng trapiko sa EDSA at walang magawa ang mga motorista at mga pasahero kundi tiisin ang araw-araw na trapik.

Ang isang inaasahang Metro Rail Transit 3 (MRT 3) sa EDSA ay pawang kabiguan din ang dulot sa libu-libong commuters. Halos araw-araw na ang aberya­. Kahapon ng umaga, umusok ang isang train at pinababa ang lahat nang pasahero sa Santolan Station. Pumipila nang pagkahaba-haba ang mga pasahero para makasakay ng train pero kapag nakasakay na ay saka naman magkakaaberya. Matagal nang nagdurusa ang mga pasahero ng MRT at hindi nila alam kung kailan matatapos ang kalbaryo.

Ang isang paraan na magagawa ng Duterte admi­nistration ay ang agarang pagsasagawa ng mga kalsada sa Metro Manila. Ito ang nararapat na simulan agad para malutas ang problema sa trapiko. Kung hindi pa sisimulan ang pag-construct ng mga kalsada, lalo pang lulubha ang trapiko sa Metro Manila.

Isa sa dapat simulan ay ang planong subway na popondohan umano ng Japan. Planong magkaroon ng subway mula Mindanao Avenue sa Quezon patungong NAIA sa Parañaque City. Ayon sa report kung matutupad ang planong subway, ang dating tatlong oras na biyahe mula QC hanggang Parañaque ay magiging 30 minutes na lamang.

Maganda ang planong ito. Ito na ang maaaring makapagpaluwag sa trapiko sa Metro Manila. Simulan na agad ang proyektong ito para naman mabawasan na ang nakakaburyong na trapik.

Bukod sa subway, simulan na rin ang skyway at mga tulay na malaki ang maitutulong para mapaluwag ang trapik. Maraming kalsada ang kaila­ngan ngayon. Gumawa nang gumawa nang mara­ming kalsada at tiyak na uunlad ang bansa. Mala­king pera ang nasasayang sa trapik.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with