^

PSN Opinyon

Misteryo na naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY hawak na “person of interest” ang Caloocan City police sa pagpatay kay Michael Angelo Remecio, 16-anyos. Hindi naman nilinaw kung ang mga pulis na ito ay ang mga sisibakin na o mga kapalit na ng mga sisibakin. Hindi ba sisibakin na ang buong Caloocan City police? Inamin ng taong ito na naka­inuman daw niya Michael Angelo Remecio, kasama ang iba pang kaibigan. Pero nakainitan daw ng kanyang mga kaibigan si Reme­cio, at pinagsasaksak hanggang mamatay. Iginiit na tumulong lang sa pagbalot ng bangkay, at hindi siya ang pumatay. Kaya sa ngayon, pinaghahanap pa ng mga otoridad ang mga kaibigan na ito.

Hindi rin matiyak ng PAO kung ano ang ikinamatay ni Remecio, dahil sa matinding agnas na inabot na ng katawan. Ang kanilang estimasyon ay may isang linggo nang patay si Remecio nang madiskubre. Tila may mga tama ng saksak, pero hindi rin masigurado. May indikasyon na pinalo ang kanyang ulo. Hindi rin maintindihan ng PAO kung bakit tinakpan ng punerarya­ ng sementong pulbos ang bangkay. Ngayon lang daw sila naka­kita ng ganyan. Naging­ hadlang nga sa kanilang otopsiya ng katawan. May nag-utos kaya? 

Kailangang hanapin ang mga nakainuman umano ni Remecio, kung mabibigyan ng halaga ang salaysay ng “person of interest” na iyan. Kung talagang sinaksak si Remecio hanggang sa mamatay, bakit kinailangan pang igapos ang mga kamay? Kung patay na pala at itatapon na ang bangkay, kailangang pang igapos? Ang nakitang indikasyon na pinalo sa ulo ay mag-aangat ng iba pang posibleng nangyari kay Remecio. Sa ngayon, mas mahalaga ang ebidensiya kaysa sa mga salaysay ng mga “testigo”. Katulad ng mga salaysay ni Tomas Bagcal, na paiba-iba at ngayon ay hindi tumutugma sa salaysay ng isang bagong testigo at CCTV na lumutang na. Isang misteryo na naman para sa mga otoridad, na dumadagdag lang sa pangamba ng buong bansa na mas laganap na nga ang patayan ngayon. Talaga bang mas ligtas na maglakad sa lansangan ngayon? Talaga bang parang Singapore na raw tayo ngayon?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with