^

PSN Opinyon

Grandstanding sa House of Reps.

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA tingin ko, ang paglalaan ng isanlibong pisong budget ng House of Representatives sa mga ahensyang­ kinaaasaran nila ay isa lamang grandstanding para ipa­kita ang kanilang kapangyarihang magtakda ng pondo. Yung tinatawag na “power of the purse.” Ito’y pagpapa­kitang gilas din sa Presidente ng Pilipinas para masabing ang kinaiinisan ng Pangulo ay kinaiinisan din nila.

Kabilang sa mga binigyan ng P1-k budget ng Kamara de Representante ay ang Energy Regulations Commission (ERC), Commission on Indigenous People at ang Commission on Human Rights (CHR).

Noon pang araw ay isa nang practice ito. Ni hindi sanlibong piso ang ibinibigay na budget kundi piso lang kapag naaasar sila sa isang opisina ng gobyerno. Pero wala pa akong nabalitaang ahensya na tuluyang inali­san ng pondo dahil kung magkagayon, para inabolis na ang ahensya na hindi naman agad-agad magagawa, lalu pa sa mga tanggapang nilikha ng Konstitusyon gaya ng CHR.

Kaya naman siniguro ni Sen. Loren Legarda na chair ng Senate finance committee, na makukuha ng mga go­vernment agencies ang nakalaang budget sa kanila para sa fiscal year 2018.

Siniguro ng mga senador na ibabalik nila ang orihinal na proposed budget ng naturang mga ahensiya ng gobyerno sa pagtalakay nito sa Senado.

Hindi nga naman ubrang tumakbo ang alinman tanggapan sa ganoong kaliit na pondo. Kaya kung aalisan ng budget ang ano mang opisina ng pamahalaan, katumbas iyan ng pananabotahe sa operasyon ng gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with