^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Barungbarong sa pampang namumutiktik na naman

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Barungbarong sa  pampang namumutiktik na naman

KAPANSIN-PANSIN na nagbabalikan na naman­ sa pampang ng ilog at gitna ng esteros ang informal settlers o squatters. Nagsulputan na na­mang parang kabute. Sa panahon ng P-Noy ad­mi­nistration, nagkaroon nang malawakang relocations ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Inilipat ang may 20,000 pamilya na nasa pampang ng mga ilog at esteros.

Kabilang sa mga ilog at esteros na inalis ang squatters ay ang San Juan River, Tullahan River, Manggahan Floodway, Maricaban Creek, Estero Tripa de Gallina, Pasig River, Estero de Sunog Apog at Estero de Maypajo. Sabi ng DPWH, delikado ang kalagayan ng mga pamilyang nasa pampang ng mga esteros at ilog. Sa pag-relocate sa mga ito binigyan pa ng perang puhunan para mayroong pagsimulan sa bagong lugar na pinagdalhan. Ilan sa mga lugar na nilipatan ay sa San Jose del Monte, Bulacan at sa Laguna.

Pero makalipas ang apat na taon, ang mga pam­pang ng nasabing ilog at esteros ay marami na namang nakatayong barungbarong. Nagmistulang mga kabute na sumulpot ang mga barungbarong. Hindi masabi kung ang mga na-relocate noong 2013 ang nagsibalikan sa dating lugar. Kaya sa kasalukuyan, namumutiktik na naman ang mga barungbarong sa pampang.

Ang mga barungbarong sa pampang at gitna ng estero ang isa sa mga dahilan nang pagbaha sa Metro Manila. Hinaharangan ng mga barungbarong na ito ang tubig. Ang kanilang mga basura na deretsong itinatapon sa ilog at estero ang nagpapabara. Wala silang disiplina sa pagtatapon ng kanilang basura. Naging malaking basurahan ang mga estero at ilog.

Ituloy ng DPWH ang pag-relocate sa squatters. Ipakita sa mga ito na mali at delikado ang pagtatayo ng tirahan sa tabing ilog at esteros. Ipamukha rin sa mga ito na sila ang sumasalaula sa mga ilog. Magkaroon ng ‘‘ngipin’’ sa pag-relocate sa squatters.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with