^

PSN Opinyon

Huwag husgahan ang buong PNP

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SIRANG-SIRA ang imahe ng Philippine National Police (PNP) ngayon dahil sa pinaggagawa ng ilan sa mga tauhan nila. Araw-araw nating mababasa sa mga pahayagan at mapapanood sa telebisyon ang mga tiwaling pulis. Nakakalungkot isipin dahil ang kasalanan ng iilan lamang sa kanila ay hinusgahan na ang buong PNP. Hindi maganda ang tingin sa kanila ng ating mga kababayan dahil sa mga bugok nilang katropa.

Para sa akin malaki pa rin ang tiwala ko sa ating kapulisan dahil hindi naman lahat ay mga gago, ang iba naman sa kanila ay may takot pa rin sa mga nakakataas ng rango o kaya naman ay may takot pa rin sa Diyos kaya hindi gumagawa ng kabalbalan.

Kung maalala n’yo dalawang beses nang napaiyak si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa hea-ring sa Senado habang iginigisa ng mga mambabatas ang PNP. Tama naman siya huwag naman lahatin ang tropa at sabihan silang sinasadya ang pagpatay. Huwag naman natin silang husgahan lahat hayaang gumulong ang batas.

Ikumpara natin si “Bato” sa isang ama, pagbintangan lahat ang kanyang mga anak samantalang ilan lamang sa kanila ay gumawa ng kamalian, masakit yun para sa kanya. Naniniwala ako kay “Bato” dahil ang mga pulis ay nagtatrabaho, hindi lahat bugok. Alalahanin natin na ang karamihan ng drug lords ay gagawin ang lahat para magdeliber ng droga. Kamakalawa lang sa Bulacan, ‘yung ama pa mismo ng mga bata ay ginamit ang kanyang mga anak para magdeliber ng droga.

Tanda n’yo ang SAF 44 na pinatay ng mga miyembro ng MILF at BIFF? Nagbuwis ng buhay habang tinutupad ang tungkulin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip ang nangyari sa mga bayaning ito.

Malaki pa rin ang tiwala ko sa kapulisan.

 

           

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with