^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Akyat-Bahay’ ang mga pulis-Caloocan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - �Akyat-Bahay� ang mga pulis-Caloocan

HINDI pa natatapos ang mga kontrobersiyal na kaso ng mga pulis-Caloocan kaugnay sa pagpatay sa teenager na si Kian Lloyd delos Santos at sa dating UP student na si Carl Angelo Arnaiz, dinagdagan pa uli ito ng panibagong kapalpakan. Labintatlong pulis ang nag-raid sa isang bahay sa Caloocan noong Huwebes pero pagnanakaw ang kanilang pakay.

Huling-huli sa CCTV ang pagdating ng mga pulis na umano’y “maggagalugad” sa bahay ng drug suspect. Pero ang nakapagtataka, ginamitan ng bolt cutter ang gate para makapasok. Ang isa pang nakapagtataka, pilantod ang nangunguna sa pag-raid. May kasama pang isang batang lalaki ang raiding team. Kuhang-kuha ang pagdampot ng bata sa isang cell phone at sinilid sa kanyang bulsa. Ilan pang mahahalagang bagay ang kinuha ng grupo. Pagnanakaw ang kanilang sadya at hindi para gumalugad ng mga nagbebenta ng droga.

Mabuti na lamang at may CCTV kaya matibay ang ebidensiya laban sa 13 pulis-Caloocan. Hindi sila makakapagkaila sa mga ginawa sa loob ng bahay. Mistula silang mga “Akyat-Bahay” na nililimas ang anumang makita. Isa pang nakapagtataka ay may baril ang pilantod na kasama at gumagamit sila ng bata.

Noong Biyernes, agad na sinibak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde ang buong Caloocan City police dahil sa panibagong kapalpakan. Ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat. Isasailalim sa training ang mga pulis.

Hindi nagkaroon ng leksiyon ang mga pulis-Caloocan na para bang wala na silang pakialam kung ano man ang mangyari sa kanila. Hindi na sila nag-iisip na maaaring ang kanilang ginagawa ay magdulot sa kanila ng malaking problema.

Nararapat na isailalim sa training ang mga pulis Caloocan at huwag na silang ibalik sa nasabing lungsod. Dalhin sila sa Marawi at sa iba pang lugar na may Abu Sayyaf, Isis o New People’s Army para maranasan ang pakikipagsagupa sa mga terorista. Doon nila ipakita ang galing sa pag-raid kuno. Kung makaligtas sila roon, suwerte nila, kung hindi iyon ang parusa sa kanilang kabuktutan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with