PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘CHR ng Pinas, pangkalahatan nga ba?’

NAKATIKIM ng hagupit mula sa Kongreso ang Commission on Human Rights (CHR) kung saan tumataginting na P1,000.00 ang inaprubahang budget sa kanila para sa 2018.

Isa itong malaking insulto, dahil kulang na lang ay harap-harapang sabihin ng mga kongresistang pumabor na “a-los ta-kwents” kayong mga nandiyan sa CHR, dapat binubuwag na ang tanggapang iyan. Sampal ito sa pinuno ng ahensiya na si Chairman Chito Gascon, katakut-takot na nga ang mga salitang tinanggap niya at ng buong CHR. “Wala daw kayong alam” diyan sa CHR sabi ng Pangulo ‘yan.

Eh ano nga ba ang dahilan, ang puno’t dulo ng isyung ito? Bakit ganun na lamang ang pambubuwisit ng Kongreso sa pagbigay ng P1,000 budget sa CHR? Marami na ang bumuka ang bibig, nagbigay ng opinyon at nagpaha­yag ng kanilang mga ideya sa hakbang na ito ng Kongreso. Sigurado ako, iba-ibang ingay na ang inyong nababasa sa mga diyaryo naririnig sa radio at napapanood sa telebisyon.

Para sa BITAG, “cause and effect principle” na lamang ang isyung ito -- epekto lamang ng problema sa mga pinagagawa mismo ng CHR. Ginantihan, pinatikim at hinam­balos sila ng Kongreso para matauhan. Bakit kanyo? Obvious na obvious naman kasi na maka-dilawan ang ahensiyang ito! Binabantayan nilang pirmi ang mga tagapagpatupad ng batas o enforcers at ahensya ng pamahalaan. Sino bang nasa pamahalaan, ‘di ba ang kasalukuyang administrasyon?!

Ang problema kasi, laging hinahanapan ng CHR ng mali, kahinaan, pagkukulang at pang-aabuso umano ng mga tagapagpatupad ng batas o enforcers ng Duterte admi­nistration. Subalit kapag ang isyu ay kontrobersyal at karu­mal-dumal na krimen at ang sangkot ay mga hard core criminals, tikom ang bibig ng Human Rights.

Pansinin n’yo ha, hindi mo makikita, wala kang maririnig at hindi magpaparamdam ang mga taga-Human Rights. Kahit “consuelo de bobo” o pakitang-tao man lang ang kanilang pakikidalamhati sa pamilya ng mga biktimang “nobody” sa ating lipunan. Eh kasi, ang mga suspek ay hard core criminals at hindi ang kanilang inaabangang mga tagapagpatupad ng batas o enforcer ng pamahalaan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kapag ang mga enforcers o tagapagpatupad ng mga ahensya ang nasasangkot, singbilis ng kidlat, mahahalintulad sa utot na mabaho, buga agad ang Human Rights. Lahat na eksena at pautot, nandun sa isyu ang Human Rights, nangunguna pa! Ang sinasabi ko, kung susuriing mabuti ay malaki ang pagkukulang ng ahensiya.  Sa estilo ng tanggapang ito, para silang makinarya ng dilaw kung saan nakakiling lagi ang CHR partikular si Gascon sa mga dilawan.

Laging nakakontra at nakabanat sa kasalukuyang nakaupong administrasyon at mga tagapagpatupad ng batas. 

Hindi n’yo pa rin na-gets kung ano ang pagkukulang? Hindi naipapatupad ng CHR ang sinasabing hustisya na dapat sana’y “para sa lahat” – walang kinikilingan, walang pinapanigan!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: