^

PSN Opinyon

Dopamine at pagiging ‘in-love’

DOC WILLIE - Pilipino Star Ngayon

NAALALA mo pa ba ang iyong first love? Naalala mo ba ang iyong naramdaman? Ang malakas na pagtibok ng puso at pagpapawis ng kamay. Ito ang mga senyales ng pagiging in-love.

Ayon sa mga eksperto, ang pagiging in-love ay dulot ng isang kemikal sa ating utak, ang Dopamine. Tumataas ang lebel ng dopamine ng mga taong in-love. Nakaka-addict ang dopamine at marami ang nagnanais na huwag na itong mawala sa kanilang katawan.

Ngunit hindi habambuhay ang pagtaas ng dopamine. Ayon sa pagsusuri, bababa rin ang lebel ng dopamine pagkalipas ng siyam na buwan hanggang tatlong taon. Dito na tayo makararamdam ng pagiging matamlay sa ating love life. Parang tinatamad at nagsasawa ka na sa iyong girlfriend o asawa. Wala pong kasalanan ang iyong partner kaya huwag siyang sisisihin. Talaga lang buma­baba ang dopamine sa katawan.

Para mapanatiling mataas ang dopamine, subukan ang mga ito:

1. Magbago ng iyong hitsura. Baguhin ang iyong hair style, pananamit o make-up.

2.Sorpresahin mo siya sa isang date. Pumunta kayo sa iba’t ibang lugar.

3. Mag-second honeymoon. Ibalik ang saya, tulad ng inyong unang pagkikita.

May iba pang mga bagay na nagpapataas ng dopamine sa katawan. Ito ay ang paninigarilyo, paghahanap ng thrill, pagsusugal, pagiging sikat, pagtulog, at pagkain ng matatamis. Ang iba rito ay masama tulad ng paninigarilyo, pagsusugal at pagsali sa mga delikadong sports. Ang pag­kain din ng matamis ay puwedeng makataba.

Paano mahahanap ang “true love”?

Kahit mababa na ang dopamine mo sa iyong katawan, mayroon pang pag-asang makahanap ng true love. Ito ay sa pamamagitan ng isa pang kemikal na kung tawagin ay Endorphins.

Ang endorphins ay nagbibigay ng pakiramdam ng pagmamahal, pagiging “close”, at pagka-relax kapag kasama ang iyong kabiyak. Marahil ang endorphins na nga ang sagot sa hinahanap nating tunay na pag-ibig.

Kapag tayo’y nagkaka-edad, dapat ay lumipat na tayo sa “excitement at thrill” na dulot ng dopamine, at tumungo na sa matagalang pagmamahal na galing sa endorphins.

Tumataas ang endorphins sa katawan sa pamamagitan ng pag-uusap, pag-unawa at pagtawa. Kausapin ang ating mahal sa buhay. Magkaisa sa inyong mga pangarap sa buhay. Araw-araw, sabihin mong mahal mo siya at gagawin mo ang lahat para sa kanya. Sa ganitong paraan, gaganda at sasaya ang iyong love life.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with