^

PSN Opinyon

Faeldon nilamon ng sistema -- Ping

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MATINDI ang privilege speech ni Sen. Ping Lacson hinggil sa corruption sa Bureau of Customs. Kung wawalisin daw ang Kagawaran, walang matitira mula sa mga opis­yal hanggang sa karaniwang kawani.

Sino ang mag-aakala na ang “fair-haired boy” ni Pre­sidente Duterte na si Nicanor Faeldon ay pinasalubu­ngan ng halagang P100 milyon sa unang araw ng kanyang pag-upo sa puwesto? At sino pa nga ba ang mag-aam­bag-ambag para magbigay ng ganyang halaga mali­ban sa mga nagpapalusot ng epektus sa BoC para umi­was sa pagbabayad ng buwis.

At sabi nga ni Lacson, kapag nakatikim ka ng ganyan kalaking halaga, tuluy-tuloy ka nang magbubulagbulagan sa patuloy na pag-agos ng malaking halaga para hindi mo mapansin ang mga pumapasok na epektos, kahit ang mga ito ay droga.

Kung magugunita, si Faeldon, kasama si Sonny Trillanes at iba pang ideyalistikong sundalong miyembro ng Magdalo ang nagtangkang mag-kudeta noong araw laban sa gobyerno ni Gloria Arroyo. Kaya mapapaisip ang marami: Magagawa ba ito ng isang may prinsipyong tao? Ngunit ang sabi ni Lacson, “nilamon ng sistema si Faeldon.”

Hindi naman puwedeng magdemanda si Faeldon laban kay Sen. Lacson dahil ang pahayag niya ay isang pri­vilege speech at hindi puwedeng kasuhan ang mam­babatas na naghahayag nito. Maaaring totoo, maaari ding hindi totoo ang pahayag ni Lacson, pero isang bagay ang sinasang-ayunan ko. Talagang korap sagadsagaran ang Bureau of Customs.

Ewan ko kung tamang buwagin ang ahensya at ipa­ubaya sa pribadong sector ang pamamahala sa pag­pasok ng mga kalakal sa pribadong sector. Pero kung ang gobyerno mismo ay nilalamon ng korapsyon, ano pa kaya kung ito’y ipamamahala sa pribadong sector?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with