^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming kabataan ang ‘nagtutulak’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming kabataan ang �nagtutulak�

SABI ng tatlong Caloocan police na sangkot sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian delos Santos, drug runner daw ito. Ganito rin ang sinabi ng hepe ng Northern Police District (NPD). Nakakabenta raw ng 10 grams ng shabu si Kian araw-araw at kumikita ng P18,000. Sinibak na ang tatlong pulis, ang kanilang PCP commander at kamakalawa, ang hepe naman ng NPD ang tinanggal. Nauna namang sinabi ni PNP chief Dir. General Ronald dela Rosa na ang ama at mga tiyuhin ni Kian ay mga tulak at gumagamit ng droga. Mga siga umano ang mga ito sa lugar. Hinamon naman si Dela Rosa ng ama ni Kian na sabay silang magpa-drug test. Itinanggi nito na drug runner ang anak. Hanggang sa kasalukuyan, bumubuhos pa ang nakikiramay kay Kian at sumisigaw sila ng katarungan sa pagkamatay ng estudyante. Sabi ni Pres. Rodrigo Duterte, kapag napatunayang may kasalanan ang tatlong pulis, sa kulungan ang bagsak ng mga ito.

Nakaaalarma ang balitang ginagamit ang mga menor-de-edad sa pagbebenta ng droga. Sila ang ginagawang runner. Dahil siguro mga bata, hindi paghihinalaang gagawa sila nang masama. At marahil, kinukunsinti ng mga magulang ang ginagawa ng kanilang mga anak dahil malaki ang kinikita sa pagiging runner. Sa halip na turuan ang mga anak na mabuhay at magtrabaho nang marangal, ang masamang gawain ang ipinamumulat. Sa halip magbanat ng buto, ang pagtutulak o pagiging runner ang itinatanim sa isip. Mabilis nga namang kitain ang pera.

Noong nakaraang linggo, dalawang estudyante na edad 16, ang nahuling nagtutulak ng marijuana sa isang eskuwelahan sa Quezon City. Ang guro umano ang nakahuli sa dalawang estudyante. Nakuha sa mga ito ang ilang sachet ng marijuana na nakalagay sa bag. Umano’y ipinagbibili ang sachet ng marijuana sa halagang P100. Itinuro naman ng dalawang estudyante ang source ng marijuana.

Nakaaalarma na ang ganito na ginagamit ang mga estudyante para magtulak ng bawal na droga. Saan hahantong ang buhay ng mga estudyanteng ito? Nararapat na maging mapagbantay ang mga magulang at guro para hindi maligaw ng landas ang kabataan. Ang mga ito ang target ng sindikato.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with