^

PSN Opinyon

‘PAO: ‘MURDER ang ginawa KIAN”

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG TAMA SA ULO at isa sa likod. Ito ang ikinamatay ng Grade 11 student na si Kian Lloyd Delos Santos.

Nahaharap sa kasong Murder ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon. Marami na ang gustong mag-imbestiga para mahimay na mabuti ang mga ebidensya at malaman kung totoo nga bang nanlaban ang binatilyo.

Humingi ng tulong ang pamilya Delos Santos kay Public Attorney’s  Office Chief Persida Acosta para sa hustisyang hinahangad nila para sa kanilang anak.

Isinailalim sa autopsy ang katawan ni Kian upang malaman kung ano ang ikinamatay nito at saan ang tama ng bala.

May tatlong treacherous wounds sa ulo at sa likod si Kian. Binaril umano ito nang nakatalikod sa taong bumaril.

Magsasampa ng kasong ‘Murder’ ang pamilya Delos Santos laban sa mga pulis na bumaril sa binatilyo.

Paliwanag ni PAO Chief Acosta may tatlo sila nakitang fatal wounds at lahat ng ito ay treacherous wounds. Dalawang tama sa ulo at isa sa likod. Nang ipaalam nila ito sa pamilya Delos Santos ay mas nagpursige silang magsampa ng kaso laban sa mga pulis.

Maging si Dr. Erwin Erfe ng PAO forensic laboratory ay naniniwala na may intensiyong patayin si Kian ng mga pulis.

Ilan sa tinitingnan nilang dahilan ay ang mga tama nito sa katawan na nagsasabi na walang balak buhayin ng bumaril ang binatilyo. Ang mga tama nito ay sa parte kung saan tatamaan ang lamang loob ng tao.

Lumalabas din sa imbestigasyon na ang binatilyo ay nakayuko habang ang bumaril sa kanyang ay nakatayo sa kanyang likod. Isa sa nakita nilang palatandaan dito ay ang ilang gasgas nito sa tiyan.

Unang tama ni Kian ay sa bandang kaliwa ng kanyang likod at sinundan ito sa likod naman ng tenga.

Ang pangatlo nitong tama ay para tapusin ang buhay ni Kian. 

Sa pahayag ng testigo sinabi ng mga ito na binugbog si Kian at iniinda nito ang bawat hataw sa kanya ng mga pulis. Wala naman daw nakita si Dr. Erfe na ebidensya na nabugbog ang binatilyo dahil walang nakitang pasa sa katawan ni Kian.

Ang naging resulta ng pagsasagawa ng autopsy ng PAO ay isasama nila sa ibang nakalap na ebidensya tulad ng CCTV footage at salaysay ng mga testigo na nakakita sa pangyayari.

Hinihintay lamang nilang makuha ang pinal na resulta mula sa kanilang forensic team bago makapagsampa ng kaukulang kaso.

Maliban sa pagsasagawa ng autopsy ng PAO pinuntahan din nila ang lugar na pinangyarihan ng insidente.

Mismong ang mga magulang ni Kian ang humingi ng tulong kay Chief Acosta para maasistehan sila sa naturang kaso. May ibang nagbukas ng kanilang mga pinto para tumulong ngunit mas pinagkatiwalaan ng pamilya si PAO Chief Acosta.

Kung pagbabasehan ang mga naunang ebidensyang nakalap at ang CCTV na nakitang hindi nanlaban ang binatilyo at nasa kostudiya na ng otoridad bago pa sabihing nanlaban ay talagang lumalabas na may pananagutan sa pangyayari ang mga pulis.

Hindi daw hahayaan ni Chief Acosta na mapalampas na lamang ito at kinakailangan may managot sa pagkamatay ng binatilyo.          

Ang tatlong pulis na nagsabing napatay nila si Kian matapos nitong manlaban ay sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremiah Pereda at PO1 Jerwin Cruz.

Natanggal na ang mga ito sa kanilang pwesto ngunit hindi naman sapat para sa pamilya Delos Santos dahil hustisya ang gusto nilang makuha sa pagkamatay ng kanilang anak.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi basta-basta dapat patayin ng mga pulis ang isang menor de edad kahit pa sabihin mong tulak ito.

Gagamitan lamang ng pwersa ng kapulisan ang isang tao kung nasa bingit ng kapahamakan ang kanilang buhay at kung nanlaban ito.

Bagamat sinabi ng Presidente Rodrigo Duterte na susuportahan niya ang magkakakasong mga pulis sa pagsunod sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga ay hindi naman niya papalagpasin ang mga aabuso sa kapangyarihan.

Kung sino man ang lumabag o umabuso ay may kaukulang parusa sa mga ito. Hindi raw makakatakas ang mga ito nang hindi pinagbabayaran ang kanilang mga pagkakamali.

Ngayong nakademanda na ang mga pulis magkakaroon ng isang paglilitis na dito maisisiwalat sa pamamagitan ng mga testigo kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.

Isang anggulo rin ang maaaring ikonsidera (hindi dito sa kaso ni Kian) dahil merong mga tulak na sumisistema na gumagamit ng mga menor de edad.  Bakit? Dahil kapag nahuli ilalagay sa DSWD dahil sa batas ng Juvenile Justice Welfare Law o RA 9344.

Idadaan sila sa isang diversion program, pagkatapos na sabihin ng mga social workers na sila’y nagbago na ibabalik uli sa lipunan upang minsan pa maging kapaki-pakinabang na mamamayan.

Merong mga menor de edad (inuulit ko hindi si Kian) na paulit-ulit nang nahuhuli at dahil sa sobrang pikon na ang mga pulis at alam nilang wala ring mangyayari inilagay nila ang batas sa kanilang mga kamay at tinodas na lang ang suspek.

Ibinabato ko sa inyo ang tanong upang sagutin na wala na bang pag-asa na magbago ang isang menor de edad? Dahil ako mismo marami akong dating kaibigan na kami’y mga teenagers na may konting kapilyuhan. Gabay at disiplina ng aking mga magulang naunawaan namin sa pagdaan ng panahon natutunan namin kung ano ang dapat, ano ang tama o mali.

Kailanman hindi solusyon ang pumatay ng tao. Sabi nga sa sampung utos ng Diyos ‘Huwag Kang Papatay’.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

 

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with