^

PSN Opinyon

Glory days ng PNA ibalik

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BILIB to the bones pa rin ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa bait at maunawain si PCOO Secretary Martin Andanar dahil panay ang salto ng kanyang mga Kamoteng alipores na mukhang sumasabotahe sa kanya dyan sa Philippine News Agency (PNA).

Sabi nga, hindi basta laglag ang ginawa ng mga mananabotahe kundi binalibag si Martin sa kahihiyan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mga nangyayaring pananabotahe ng ilang taga-PNA para sirain ang kredibilidad at integridad ni Martin porke ang mga pinaggagawa ng mga Kamoteng palpak naglagay ng pictures regarding sa giyera patani sa  Marawi pero ang picture pala ay noong Vietnam war pa, isang fake news na ginamit ng PNA tungkol sa EJK, iyong sa Xinhua News Agency na kritikal sa Permanent Court of Arbitration ruling at ang latest ay ang logo ng Department of Labor ang Employment ginawang kumpanya ng DOLE pineapple . Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na dapat magtagal ang mga palpak sa PNA kailangan na silang magsilayas.

Ika nga, Tsu!

Abangan.

Palit mukha sa jueteng operations

HINAMON ni NCRPO chief Director Oscar Albayalde na magbibitiw siya sa puesto kung mapapatunayan sangkot, tumatanggap o protektor siya ng jueteng operation sa Metro - Manila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bumuwelta si Albayalde dahil sa akusasyon ng legal pero illegal na STL company na kabilang siya sa mga matataas na officers ng PNP na sumusuporta sa jueteng.

Naku ha!

Mapatunayan kaya nila ang pinakakalat nila?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga akusasyon ibinato kay dark horse PNP chief este mali Agbayalde pala ay panis na dahil luma na ito, walang basehan at siempre self serving.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpahayag si CPNP Bato dela Rosa na ipapatigil ang lahat ng uri ng sugal within 15 days kaya naman tigil lahat.

Ika nga, sa takot!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga binigyan ang PCSO ng permiso para sa expanded Small Town Lottery game nila kaya naman nag-dry run ang tinaguriang ‘cool baby cool’ kahit hindi pumayag ang ibang local government sa may-ari ng kampana este mali kumpanya pala.

Bukod dito, ang palit mukhang palaro ng jueteng este expanded STL pala ay walang prangkisa sa House of Representatives kaya naman oras na makarating ito kay House Speaker Bebot Alvarez tiyak may kalalagyan sila.

Bakit naman?

Sagot - binastos ang kongreso dahil sila lang ang puedeng magbigay ng go signal para sa prangkisa para maging legal!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-dry run ang kumpanya ng expanded STL granting ito ay legal pero ang operasyon nila ay illegal.

Bakit?

Sagot - wala silang program operating system.

Sabi nga, dapat may draw machine at draw court para kung tataya ang manananaya ay may panghahawakan resibo para naman direktang malaman ng BIR at PCSO.

Ika nga, walang pinanghahawakan ang madlang mananaya na ito ay legal?

Sabi nga, palit mukha lang sa jueteng ang operasyon.

Ayon sa sumbong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gumagamit pa ang kumpanya ng ‘lastilyas’ na ginagamit sa jueteng operations.

Halimbawa sa Muntinlupa City, alam kaya o pumayag kaya si Mayor Fresnedi sa operasyon ng expanded STL ng ‘cool baby cool’ company?

Sino ang nagbigay ng basbas dito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi nakapasok ang kumpanya sa Las Piñas at Taguig dahil ayaw ng sugal ng dalawang Alkalde sa kanilang teritoryo.

Ito ang tumpak!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang grupo ng mga sindikato sa jueteng ang pumasok sa expanded STL na pumapel para sa illegal number game ito anila ay sina Totoy ‘maharot ka,’ Don Ramon at isang retired PNP General.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang aka Albano at isang alyas Ai - Ai ‘tomboy’ Saykon, ang pumapapel na may-ari ng kumpanya ‘cool baby cool.’

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with