^

PSN Opinyon

Magulo nga

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANG gulo ng bayan! Ito ang pahayag ni Archbishop Socrates Villegas, presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sa nagaganap na madugong kampanya kontra iligal na droga nitong mga nakaraang araw. May maling nagaganap umano sa bansa, kung saan ang mga pumapatay ay binibigyan ng parangal, habang ang napapatay ay hindi maipagtanggol ang sarili, o magmakaawa na huwag siyang patayin.

Walang argumento na ganito na nga ang nagaganap sa bansa. Mga napapatay ng pulis sa mga operasyon kontra iligal na droga, kung saan nanlaban umano, tapos mahahanapan nila ng ilang sachet ng shabu, at baril na ginamit para manlaban. Pero sa higit P6 bilyong halaga ng shabu na nakapasok sa bansa, na dumaan pa sa Bureau of Customs at natagpuan na lang sa isang bodega sa Valenzuela dahil sa “tip” mula China, walang napapatay, wala pa ngang nakukulong maliban lang sa dalawang nakakulong sa Senado dahil sa contempt.

Malakas ang pagkondena sa napatay na 17-anyos na si Kian delos Santos. Ang PNP lang ang tila natutuwa sa kanilang “tagumpay”. Inakusahan na ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang mga kamag-anak ni Kian, na nagsisilbing runner­ umano ng kanyang ama at tiyo, kaya sinapit ang tadhana. Ang inaasahan na lang nila ngayon ay ang mga imbestigasyon na nakahanda nang maganap sa insidente. Pati mga kilalang kaalyado ni Duterte sa Senado ay gustong imbestigahan ang pagpatay, pati na rin ang madugong kam­panya nitong mga nakaraang araw na tila paligsahan ng mga lungsod at lalawigan. Tingnan na lang natin kung talagang gusto nilang malaman ang katotohanan. 

Habang mainit na naman ang isyu ng extrajudicial killings, tila hindi nabibigyan ng pansin, o hindi pinapansin ang mga barko ng China na namataan malapit sa Pag-asa. Wala raw problema, ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano. Hindi raw inagaw ang teritoryo ng Pilipinas, ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon. Hindi raw ipamimigay lang ng bansa ang anumang teritoryo sa China. Lumapit lang daw masyado sa nasabing lugar, pero hindi inangkin. Pero napakarami naman yatang barko ng China, kabilang ang ilang barkong pandigma, na pinadala sa lugar na napakalapit sa pinakamalaking isla na inaangkin ng Pilipinas. Ano kaya ang tunay na intensiyon nila? Tama nga si Archbishop Villegas. Magulo nga ang bayan, na hindi naman nakikita ng ilan sa gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with