^

PSN Opinyon

Droga sa preso paano ititigil?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TAMA si President Rody Duterte. Cell phone lang ay mabisang puhunan na sa malakihang pagbebenta ng droga mula sa bilangguan. Ang halaga ng cell phone na ipinupuslit ng mga tiwaling guwardiya sa National Penitentiary sa Muntinlupa, Metro Manila, ay umaabot sa P100,000. Ang kapalit naman ay bilyun-bilyong pisong maruming tubo. Merong signal jammers sa prison compound, pero sinusuhulan ang mga guwardiya para sirain ito. Tungkulin ng mga guwardiya na kumpiskahin ang mga wifi gadgets, pero sinusuhulan din sila para magbulag-bulagan. Mga life convicts ang namumuno sa sindikato. Katwiran nila ay wala nang ilalala pa sa habambuhay na sentensiya nila dahil sa multiple murder, kidnapping for ransom, at armed robbery. Ilan ay mga dayuhang Tsino.

Kung si Duterte ang masusunod, ipapiprito niya ang mga nakumpiskang cell phone at ipakakain sa preso. Lulunurin daw niya sila, o ibabartolina. Bawal sa Konstitusyon ang ma­lupit at kakaibang parusa.

Merong mga praktikal na solusyon. Una, ilipat ang maximum security prisoners sa liblib na lugar. Halimbawa, sa isang sulok ng higanteng Fort Magsaysay ng Army sa Nueva Ecija. Doon, mga sundalo mismo ang magbabantay na gumagana ang signal jammers.

Ikalawa, palitan ang matatagal nang guwardiya. Meron sa kanila na minana lang ang posisyon mula sa ama o kuya na nagretiro na. Wala na silang pagmamahal sa tungkulin, kundi nangunguwarta na lang.

Ikatlo, tuntunin kung sinu-sino ang mga kontak ng mga preso sa labas -- mga tagaluto at tagabenta ng shabu, protektor ng sindikato, at taga-intrega ng maruming pera. Ipreso rin sila.

Higit sa lahat, kumpiskahin ang maruming kita ng mga “Bilibid drug lords” at gastusin ito sa pagpapatatag sa mga preso. Kumbaga, ipamukha sa kanila na sila rin ang nagpahirap sa kanilang kalagayan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with