^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Curfew sa menor-de-edad hindi na pinatutupad

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Curfew sa menor-de-edad hindi na pinatutupad

NAG-NINGAS-KUGON na naman ang Philippine National Police (PNP) at local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng curfew sa mga kabataan. Kapansin-pansin na sa dis-oras ng gabi ay maraming menor-de-edad ang nasa kalye na para bang walang pakialam. May mga menor-de-edad na inaabot ng madaling araw sa kalye at tila wala ring pakialam ang kanilang mga magulang. Pinababayaan na ba ang mga kabataan sa panahon ngayon na laganap ang krimen dahil sa pagkasugapa sa shabu.

Sa mga unang buwan ng Duterte administration, naging masigla ang PNP sa pagsita at paghuli sa mga kabataan sa kalye. Ang iba pang lungsod sa Metro Manila ay nagtakda ng curfew sa mga kabataan. Sa ordinansa ng lungsod, kailangang wala nang menor-de-edad na makikita sa kalye pagsapit ng alas diyes ng gabi hanggang alas singko ng madaling araw. Ang sinumang kabataan na lalabas sa ganoong oras ay kailangang may kasamang nakatatanda para magpatunay kung ano ang dahilan at nasa labas siya ng bahay. Ang sinumang mahuhuli ay dadalhin sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pero nagningas-kugon na nga ang PNP at mga opisyal ng lungsod sapagkat nagmistulang mga baka na pinakawalan mula sa kural ang mga menor-de-edad. Mayroong galing sa mga “gimikan’’ at kung anu-ano pang mga kasayahan. Sa mga ganitong “gimikan” kadalasang natutuksong tumikim ng droga­ o shabu ang kabataan.

Noong Miyerkules ng gabi, dakong alas diyes, pinagbabaril ng tatlong pulis Caloocan ang 17-anyos na si Kian de los Santos. Ayon sa mga naka­saksi, binigyan ng baril si Kian at saka pinatakbo bago binaril. Napasubsob si Kian sa isang basu­rahan at namatay. Ayon naman sa mga pulis, nakunan ng baril at dalawang sachet ng shabu si Kian.

Bumuhos ang pakikiramay kay Kian. Mabuti raw ito at hindi sangkot sa droga. Sabi naman ni PNP chief Dir. General Ronald dela Rosa, drug runner si Kian ng ama nito at mga tiyuhin. Itinanggi ito ng ama. Gayunman, sinibak na ang mga pulis na pumatay kay Kian.

May pananagutan naman ang mga magulang ni Kian kung bakit nasa labas ito ng bahay ng ganoong dis-oras ng gabi. Anong ginagawa niya sa labas? Kung nabigyan ng gabay ang binatilyo, hindi sana ito napahamak sa kamay ng mga pulis na mistulang “uhaw na sa dugo”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with