^

PSN Opinyon

‘NIDO 3 Plus’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

(Better version)

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

NAISULAT KO SA PANG-MASA (PM) at pinuna ko ang advertisement ng NIDO 3 Plus na ang bukod tangi kong binatikos ay yung susunduin ng kanyang tatay ang kanyang anak sa ina nito na halatang nagpapahiwatig na magkahiwalay ang mag-asawa.

Ramdam mo ang kurot ng makiusap ang bata na “Mama sama ka please” sumagot ang ina “Daddy will take care of you.”

Nag-iwan pa siya ng huling bilin sa anak na “Have fun with Dad.”

Ipinakita ng tatay na may baon siyang NIDO 3 Plus. Ako’y nanggaling sa ganitong pamilya. Dapat ang commercial ay ipinapakita ang magagandang bagay kung bakit dapat tangkilikin ang kanilang produkto.

Ako’y natutuwa na nitong mga nakaraang pagpapalabas ng commercial ng NIDO Plus 3 ay binago na nila ito. Tinanggal na nila ang pakiusap ng bata na “Mama sama ka please” at tinakpan ng isang voice over at tinapos ito sa pagsabi ng ina ng “Have fun with Dad.”

Isang positibong aksyon, isang positibong hakbang ang ginawa ng nasa likod ng gumagawa ng NIDO 3 Plus.

Kaming mamamahayag ay pumupuna hindi para siraan ang isang bagay kundi baka sa aming pagsulat may magandang kahinatnan ang aming inilalarawan.

Ngayon naman para sa aming tampok…

“Bait-baitan”

MAY MGA TAO na kapag kaharap mo ay napakabait pero pagtalikod mo hindi mo alam kung anong masasamang salita o gawain ang ginagawa sa kanilang kapwa.

Magtrabaho pa lang sa ibang bansa at malayo sa mga anak ay mahirap na dagdagan mo pa ng among wala nang nakikitang tama sa ‘yo. Mabait lang kapag nandyan ang asawa pero kapag wala na ay parang sinapian ng kasamaan.

Isang kababayan natin na nagtatrabaho sa Saudi ang humihingi ng tulong sa aming tanggapan.

Direktang tumawag si Julieta Tampis sa amin upang humingi ng tulong. Kwento niya balik manggagawa daw siya kaya wala nang local agency na pwedeng mahingan niya ng tulong.

Nag-message din siya sa aming Facebook Account upang ipara­ting ang kanyang paghingi ng tulong.

Hindi na daw niya kaya ang ugali ng kanyang Madam at pati na ang mga anak nito.

Lahat ng trabaho ay siya ang gumagawa at napakalaki pa ng bahay at pamilya ng kanyang employer.

Buntis pa ang kanyang madam at ito na ang magiging pang pitong anak ng mga ito. Hindi din magandang ang ugali ng kanyang mga alaga at nung minsan ay tinatapunan pa siya ng tubig.

“Kung sa amo kong lalaki wala po akong problema dahil talagang mabait siya. Ang pasahod naman ay wala ding palya. Ang talagang inirereklamo ko ay ang Madam ko at ang mga anak niya,” pahayag ni Julieta.

Madalas daw galit sa kanya ang kanyang Madam at hindi naman niya alam kung anong dahilan.

May punto pang tinapunan siya ng tubig ng anak nito at plano siyang saktan.

Naaksidente na din siya pero hindi siya nakapagpahinga dahil kailangan niyang magtrabaho para hindi magalit ang kanyang amo.

Nakadagdag pa sa pangamba ni Julieta nang pagbawalan siya ng kanyang amo na kumontak sa kahit na sino.

Kung sakaling aalis siya sa kanyang amo ay pinagbabayad daw siya ng kanyang Madam.

Pinagbabawalan din siya nito na magsabi sa amo niyang lalaki kung anuman ang problema niya sa kanyang Madam at sa mga anak nito.

Sa dami ng kanyang gawain doon ay napagkasunduan nila na hindi na siya ang magluluto. Ang kasunduang ito ay epektibo lang pala kapag nandyan ang amo niyang lalaki.

Kapag wala ito sa bahay ay siya pa din ang magluluto. Wala naman siyang mapamimilian dahil ayaw niyang mas magalit o mainis ang amo niyang babae sa kanya.

Nang dumating si Julieta doon ay sa ibang amo siya nakapasok. Tumagal siya ng tatlong buwan at dinala na siya ng pamangkin ng kanyang employer sa kasalukuyang amo.

“Binayaran po nila ako sa dati kong amo para huwag na akong umalis  sa kanila. Nagkagulo na kami minsan dito pero sinabihan ako ng kapatid ng boss ko na kapag pinilit kong umalis ay dadalhin ako sa pulis,” kwento ni Julieta.

Hiling lang ni Julieta ay makaalis siya sa kanyang amo dahil hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya doon pag nagtagal pa siya.

Ang alam niyang lugar na kinaroroonan niya ay sa Hofuf. Ibinigay din niya ang kanyang numero para kung sakaling may impormasyong kailangan sa kanya ay maaari siyang matawagan.

Upang matulungan si Julieta sa kanyang problema nakipag-ugnayan kami sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa ating embahada sa pamamagitan ni former Usec. Rafael Seguis.

Amin ding pinayuhan si Julieta na huwag siyang tatakas sa kanyang amo para hindi na siya magkaroon ng kaso at hindi na magsanga-sanga pa ang kanyang problema.

Hirap na hirap na siya doon pero para sa kanyang mga anak ay kumakayod siya ng husto. Kung kalusugan at buhay naman niya ang isaalang-alang ay nangangamba din siya dahil siya na lamang ang inaasahan ng kanyang mga anak dito sa Pilipinas.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with