^

PSN Opinyon

Price control sa gamot, napapanahon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISA sa matatawag nating pangunahing pangangailangan ng ating mga senior citizens ay ang gamot dahil karamihan ay nangangailangan na ng maintenance medicine. Ngunit dahil sa kamahalan ng medisina ay maraming mahihirap ang napagkakaitan ng tamang medical care.

Kaya naman sinimulan nang  talakayin ng house committee on trade and industry sa pangunguna ni Rep. Ferjenel G. Biron ang house bill no. 3252. Layunin nito na lumikha ng isang drug price regulatory board.

Sususugan nito ang republic act no. 9502 o Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008. Sa pamamagitan nito ay matitiyak na ang presyo ng gamot ay hindi tataas sa kapakinabangan ng mga mahihirap na mamamayan, lalu na ang senior citizens. Ani Rep. Biron, hindi pa natatamo ng umiiral na batas. Oo nga naman. Hangga ngayon ay mataas pa rin ang presyo ng gamot na kontrolado ng mga malalaking pharmaceutical companies..

Panahon na rin para maisali sa mga gamot na ireregulate ang iba pang pormulasyon bukod sa lima na nakapailalim sa mandatory price regulations. Sa pamamagitan ng isang regulatory board” na nasa ilalim ng Department of Health ay matagumpay na maibaba ang presyo ng gamot sa bansa. Political will ito para hindi ang interes ng mga kompanya ng gamot ang masunod kundi ang interes ng taumbayan.
regulatory board.” Dagdag ni Rep. Biron.

Halos  lahat  ng mga  ahensya ng pamahalaan at non-government organizations na naimbitahang magbigay ng posisyon kasama ang Department of Health,  Food and Drug administration, World Health Organization, samahan ng mga matatanda at iba. Lahat ay pabor sa paglikha ng drug price regulatory board anang mambabatas.
Ani Rep. Biron, ang mga posisyon ng mga resource persons sa pagdinig ay mahalagang bagay sa pagbalangkas ng pinal na hakbangin hinggil dito. Tama si Biron. Ang pananaguatn ng mga mambabatas ay hindi lamang bumuo ng batas kundi  tiyakin na ito ay maipatutupad ng maayos.

Ang hakbangin ay kabilang sa prayoridad na panukalang batas ng pangasiwaang duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with