^

PSN Opinyon

‘Ikasa ang martial law sa BOC!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAKAKAAWA ang sinapit ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon sa kasalukuyang imbestigasyon hinggil sa isyung korapsiyon sa kanyang tanggapan.

Tatlong beses na palang nagre-resign si Faeldon subalit dahil sa laki ng tiwala sa kanya ni Pres. Rodrigo Duterte ay hindi siya pinapayagan. Kaya ngayon, napapaiyak na lamang ang pobre at walang magawa kundi umaming hindi niya kayang linisin mag-isa ang institusyong ilang taon nang malala sa kanser ng korapsiyon.

Sino nga ba ang nasa likod ng korapsiyon sa BOC? Lahat korap sa tanggapang `yan maliban kay Commissioner Faeldon – sabi nga ni Duterte.

Kahit na anong galing ng lider na italaga, dala-dala `yung kanyang teorya at estratehiya para sa ikauunlad ng isang departamento kung `yung kultura sa isang organisasyon ay malala at bulok, wala itong kuwenta. Ang kulturang ito tulad ng korapsiyon sa BOC ang gigiba sa namumuno gaano man ito katalino o katapang. That culture is tasteless and odorless but you can sense and feel.

Iyong mga empleyado mismo sa BOC na may koneksiyon, katsokaran at pumapader sa mga tiwali na smuggler ang bumabakbak sa bagong “pamahalaan” na labanan ang maling kultura.

Sabi nga ng kaibigan kong columnist na si Cito Beltran, send to BOC the marines, the Special Armed Forces at magbantay mula papasok at palabas ng Customs maging lahat ng transaksiyon ng bawat kolektor.

Kailangan na ng martial law sa Customs para tumino ang mga putok sa buhong buwaya at pendehong `yan! Iyang mga gunggong at dupang diyan ay talagang titino.

Panahon na para ipatupad ang kamay na bakal sa institusyong `yan na matagal nang lubog sa kumunoy ng pagnanakaw. Buwagin at lusawin na ang tara, payola, komisyon at kung anu-ano pang katiwalian sa Customs. 

Ipatupad na agad-agad ang tinatawag na inward foreign manifest para sa transparency at real-time transactions. Maraming kumokontra rito ha, dahil mabubuking at mababalatan ng balat ang mga buwaya sa BOC.

Kung si BITAG ang tatanungin, susuportahan ko ang pagpapatupad ng martial law sa BOC. Dapat, wala nang patumpik-tumpik pa!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with