^

PSN Opinyon

Out of hand

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

MINSAN ko na ring tinanong si President Duterte noon na kung paano na lang kung ang kanyang “I will kill you” strategy sa pagsugpo sa ilegal na droga  sa bansa ay umabot sa puntong ito ay “it gets out of hand” na status na at hindi na mapipigil kasi sinu-sino na lang ang gustong maglalaro nito.

At saka tinanong ko na rin siya noon na hindi naman siya forever maging  Presidente at paano niyang iiwan o wakasan itong problema sa ilegal na droga na kumakain sa kaibuturan ng ating komunidad. 

At sa gitna ng lahat ng patayan na ito ay aminin nating hindi tayo pupuwedeng magpatayan na lang habambuhay. Dagdag ko pa nga sa kanya noon...”We cannot go on killing each other forever”.

‘Yon ang tanong ko sa Presidente. At ang sagot niya sa akin noon ay “Para ka namang hindi taga-Davao” -- noong tinanong ko rin siya “if he had all these things figured out even before he decided to run for president or even just during the campaign period”. 

Ang sagot niyang “Para ka namang hindi taga-Davao” ay tahasang nagsasabing “kilala mo ako”.

Dati nang inihayag ni Duterte ang kanyang frustration sa ating judicial system na kung saan ang isang kaso ay aabot 10 hanggang 20 taon bago ito mapagdesisyunan.

Sinabi nga niya na napakabagal gumalaw ng hustisya sa ating bansa. 

Alam na alam niya ang judicial system dahil isa nga siyang abogado at naging city prosecutor siya bago siya naging mayor ng Davao City sa loob ng 23 taon. 

At sana naman sa gitna ng problema natin sa ilegal na droga at sa iba pang krimen  at maging sa terorismo ay may mga efforts din para palakasin ang ating judicial system.

Sana magkaroon din ng pagsisikap na lumakas ang ating judicial system sa bansa upang hindi na hahantong sa mga extra-judicial na paraan ang solusyon na ating hinahanap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with