^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hamon sa LTO: Lumang sasakyan huwag irehistro

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hamon sa LTO: Lumang sasakyan  huwag irehistro

MAY kapabayaan ang Land Transportation Office­ (LTO) sa mga nangyayaring malalagim na aksi­dente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga lumang sasakyan. Karaniwang dahilan kaya nakakasagasa at nahuhulog sa bangin ay dahil nawalan ng preno. Ibig sabihin kaya nawalan ng preno ay luma na ang sasakyan. Maaaring 15 taon o mahigit pa na ginagamit. Bakit inirerehistro pa ng LTO ang mga sasakyang luma na banta sa kaligtasan ng mamamayan.

Karaniwang nawawalan ng preno ang mga pampasaherong bus na kung hindi nahuhulog sa bangin at skyway ay umaararo sa mga kabahayan. Pero ngayon, hindi lamang mga bus ang nawa­walan ng preno kundi pati na rin cement mixer.

Gaya nang nangyaring malagim na aksidente sa Mindanao Avenue, Quezon City noong Martes ng hapon. Binangga muna ng cement mixer ang isang Honda Brio at saka ito sumampa sa center island bago tumagilid at bumagsak sa kotse mismo. Yuping-yupi ang kotse. Inabot ng tatlong oras bago nailabas ang mga biktima sa loob ng kotse. Isa ang namatay at apat ang nasugatan. Ayon sa report, patungo sa grocery ang mag-anak nang maganap ang trahedya.

Kinasuhan na ang driver ng mixer na madaling naaresto makaraan ang aksidente. Ayon sa driver, hindi kumagat ang preno ng minamanehong mixer at isinampa na lang niya sa center island upang hindi na makasagasa ng iba pa. Ganunman, may napatay din siya.

Isa lamang ang ibig sabihin kung bakit ayaw nang kumagat ang preno ng mixer, luma na ang sasakyan at dapat nang iginagarahe. Dapat ang LTO na ang magpasya rito. Hindi na dapat inire­rehistro ang mga karag-karag na sasakyan na may edad 15 taon pataas. Kung hindi ito gagawin, marami pang aksidente ang magaganap at may mamamatay. Ang kaligtasan ng mamamayan ang dapat isipin ng LTO o maski ng LTFRB. Huwag nang irehistro ang mga sasakyang luma na wala nang preno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with