^

PSN Opinyon

Patayan na walang puknat

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGKAMALI ng tantiya si Pres. Rodrigo Duterte na sa loob ng anim na buwan, masasawata na ang illegal na droga sa bansa. Subalit magpahanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagtangkilik ng mga adik sa droga kaya walang humpay ang patayan ngayon sa maraming sulok ng bansa. Pahayag ni Duterte “Alam ko na nagkamali ako. Nagkamali talaga ako. Hindi ko naman talaga akalain, ‘yang Bureau of Customs na iyan, akala ko kaalyado ko.” May pahiwatig itong pananalita ni Duterte na may mapupugutan ng ulo sa mga alipores niya sa BOC. Hehehe! Ito na kaya ang huling buntong-hininga ni Duterte sa mga itinalagang Doberman niya sa BOC? Kasi nga siguradong kumakalat na ngayon ang shabu na nakapuslit sa BOC. Kaya ang pakikipaggiyera ni Duterte sa droga ay magdudulot ito ng madugong sagupaan.

Noong isang araw, ipinamalas sa sambayanan ni Bulacan Provincial Police acting director S/Supt. Romeo Caramat ang one time big time operation na nagresulta sa pagkamatay ng 32 at pagkaaresto sa 107 drug supects sa kanyang nasasakupan. Ito na yata ang pinakamaking operasyon at pinakamaraming patay sa pakikipag-engkuwentro ng mga pulis sa mga drug pusher sa Bulacan. Pinapurihan ito ng Presidente at maging si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa. Hehehe! Ito kaya ang naging batayan ng ilang opisyales ng PNP kaya dose-dosena na ang patay sa magdamag?

Sa Manila Police District (MPD) kasi kinumpirma ni NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde na 28 adik ang patay matapos na maglunsad ng one time big time operation ang mga tauhan ni MPD director CSupt. Joel Coronel. May pinalad namang 166 na drug suspects na nabuhay sa naturang operasyon subalit mukhang mabubulok na rin sila sa kulungan. Ito na rin ang pinakamadugong pakikipag-engkuwentro ng Manila’s Finest sa kasaysayan.

Pinapurihan ni Manila mayor Joseph Estrada si Co­ronel at mga tauhan nito sa katapangang pinakita laban sa drug pushers. Ayon kay Estrada “In support of President Duterte’s war against drugs and criminality, we in the City of Manila have been serious in stamping out criminality and maintaining peace and order, and so I’m repeating my warning to criminals: give up or face the full force of the law.”

Siyempre hindi magpapahuli riyan ang iba pang distrito ng pulisya sa ipinamalas ni Coronel. Ang masakit nga lamang ay may haka-hakang lumalabas sa pagkamatay ng 17-anyos na estudyante sa Caloocan City. Mukhang malalagay sa balag ng alanganin ang nga bataan ni CSupt. Chito Bersaluna matapos na maglutangan ang mga tesitigo nang gabing mapatay si Kian Lloyd delos Santos.

Magkaiba ang report ng pulis dahil nga sa kuha ng CCTV nang gabing mapatay si Lloyd. Kaya sa puntong ito mukhang nagkaka-interest si Sen. Dick Gordon na imbestigahan ang kaso ng pagkamatay ni Lloyd. Ayon kay Gordon, mukhang nagkakaroon ng “diversion” ang patayang nagaganap sa kasalukuyan upang matakpan ang isyu sa pagpuslit ng P6.4 bilyong shabu sa Customs. Abangan!

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with