^

PSN Opinyon

Ano ang ‘hadlang sa hustisya’?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY nagaganap na bang paligsahan ng mga siyudad kung sino ang pinakamaraming mapapatay na tulak-droga, adik o kung sino pa ang “manlaban”sa kanilang mga pulis sa loob ng isang araw? Kailan lang ay nagtala ng 32 ang napatay sa lalawigan ng Bulacan sa loob ng 24 oras, sa iba’t ibang operasyon ng PNP. Natuwa si Pres. Rodrigo Duterte. “Maganda yun. Makapatay lang tayo ng mga ano­ther 32 everyday then maybe we can reduce what ails this country”. Iyan ang pahayag ng Presidente ng Pilipinas.

At tila sumagot naman ang siyudad ng Maynila. Sa loob ng 24 oras, 25 naman ang napatay sa iba’t ibang operas­yon rin kontra iligal na droga. Mga nanlaban umano, kaya napilitang patayin. Sino kaya ang susunod na lungsod o lalawigan na magpapakitang-gilas sa Presidente? Malinaw na natuwa si Duterte sa naganap sa Bulacan, at ngayon sa Maynila.

Ngayon, pati ang mga tauhan ng Commission on Human Rights (CHR) ay puwede na rin maging target ng mga pulis. Ayon kay Duterte, kung magiging hadlang lang sa hustisya ang mga CHR, uutusan niya ang mga pulis na barilin na rin sila. Hindi na nagpaikut-ikot pa si Duterte. Kung noon ay biro lang daw na ibubuwag na ang CHR, ngayon posibleng may utos na sa pulis na barilin na sila kung “hadlang sa hustisya”.

Ano ang mga sukat o pagkahulugan ng “hadlang sa hustisya”, kung sakaling ipatupad ang utos? Ano ang pag­hahadlang, at ano ang ginagampanan lang ang tungkulin ayon sa Saligang Batas? Ano ang mangyayari kung may mabaril na nga ang mga pulis dahil “hadlang daw sa hus­tisya” ang ginawa ng tauhan ng CHR?

Maglalabas ba ng paliwanag o patakaran ang Palasyo sa bagong pahayag na ito ni Duterte? O “hyperbole” lang na naman, “biro lang” na naman o “masanay na dapat ang lahat sa kanyang estilo ng pananalita” na naman? Kailangang linawin na ng Palasyo kaagad bago may mapatay na nga ang PNP na tauhan ng CHR, dahil sa pahayag ni Duterte. Hindi malayo mangyari na may magkamali diyan at literal na sundan na ang pahayag niya, lalo na kung nagpapakitang-gilas sa Presidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with