^

PSN Opinyon

Digong nag-aapura

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NGAYON lang natanto ni Presidente Duterte na hindi niya kayang sugpuin ang problema sa droga sa loob ng anim na taon ng kanyang termino, gaya ng kanyang naipangako. Kaya naman tila siya’y nag-aapura para lipulin lahat ang mga adik at nagbebenta ng droga sa pamamagitan ng maramihang pagliligpit sa mga ito. Ngunit siyempre, may rason kung bakit napatay ang mga suspek na ito: Nanlaban sa pulis.

Kamakalawa, tuwang-tuwa ang Pangulo sa balitang tat­­lumpu’t dalawang drug suspects ang tumimbwang sa magkakahiwalay na operasyon kontra droga ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang bayan ng Bulacan. Ang utos ng Pangulo sa mga operatiba ng PNP “Pumatay pa ng 32 araw-araw.

Kaya naman kahapon, iniulat na 25-katao ang napatay ng pulisya sa lungsod ng Maynila sa loob lamang ng 24-oras bunsod ng pinaigting na “anti drug at anti-crime ope­rations ng 10 istasyon ng Manila Police District (MPD). Ito ang nabatid kay MPD Director P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel. Iba talaga kapag Pangulo ang nagsalita. Nasusunod. Kaya ilan na naman kaya ang maiuulat na mapapatay sa drug operation sa araw na ito? Mukhang wholesale na ang ginagawang pagliligpit.

Ang pangamba ko lang, baka magkaroon ng indiscretion sa pagtupad sa tungkulin ang ilang pulis, at para lamang mapagbigyan ang utos ng Pangulo, kung sino-sino na lang ang tatamnan ng ebidensya at papatayin. 

Maaari din na kung may isang personal na kagalit ang isang pulis, kahit hindi nasasangkot sa droga ay puwedeng i-setup at tamnan ng ebidensya, pagkatapos ay papatayin. Ito naman ay pangamba lang ng iba nating kababayan.

Isa pang nakababahala ay napakaraming small time na drug pushers ang napapatay kumpara sa dalawang big time na alkalde sa operasyong ito ng pamahalaan laban sa droga. Mas maganda siguro kung yung mga nasa talaan ng mga narco-politicians na hawak ng Pangulo ang una­hing arestuhin dahil sila ang utak sa lahat ng operasyon. Kung mawawala ang mga namumuno, tiyak, mawawala din yung mekanismo ng drug distribution sa ibaba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with