^

PSN Opinyon

Tuloy pa rin ang negosyo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TULOY pa rin ang negosyo para sa mga produktong manok sa Metro Manila, sa kabila ng pagkalat ng bird flu sa Pampanga. Hindi naman daw galing sa Pampanga ang kanilang mga manok at ano pang mga produktong manok, kaya ligtas mula sa bird flu. Kaya ang mga paborito ninyong mga pagkain na manok ay ligtas. Nagsalita na nga ang dalawang malaking fast food companies na ligtas ang kanilang mga pagkaing manok at wala dapat alalahanin ang kanilang mga parukyano. Ganito rin ang pahayag ng mga ibang kompanyang pagkain – ligtas ang kanilang mga manok.

Mahigpit na ipinatutupad ng gobyerno ang kasaluku­yang kuwarantenas ng mga manok at produktong manok mula Pampanga. Hindi na ito pinalalabas ng probinsiya. Nagiging maingat na rin ang marami kung saan galing ang manok at itlog na binibili nila. Pero sa totoo lang, nasa mga kumpanya na ang kaligtasan ng mga parukyano. Kung talagang maingat sa pagbili ng manok na ligtas, mabuti. Ang mahirap ay kung pagsamantalahan ang mababang presyo ng manok na manggagaling sa Pampanga. Kaya maha­laga na maging mahigpit ang gobyerno sa kuwarantenas.

Libong manok at pato ang pinatay na para pigilan ang pagkalat ng sakit. Ang binabantayan din ng gobyerno ngayon ay kung magbabago ang virus, na maaari nang mahawaan ang tao. Sa ngayon, hindi pa ito nangyayari pero sinisigurado ng gobyerno na hindi tatawid ang sakit sa tao. Pinadala pa sa ibang bansa ang mga sampol para masuri nang husto.

Mabuti na lang at hindi kumalat nang husto ang bird flu. Isipin na lang kung hindi lang sa isang lugar sa Pampanga nadiskubre, kundi sa buong bansa. Ilang milyong manok at pati ang kailangang patayin, at ilang milyon rin ang kailangang iangkat para lang masuplayan ang bansa. Hindi biro ang peste. Dapat laging nag-iingat ang mga nasa industriya ng pagkain, partikular ang mga nagpapalaki ng hayop. Malaking bagay rin ang maging tapat sila kaagad kung may mga indikasyon na ng problema, at huwag ilihim para lang maipagpatuloy ang mga ope­rasyon. Dapat kriminal na paglabag ang hindi magsiwalat ng problema kaagad sa mga otoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with