PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kalusugan tips

(Part 2)

DEPENDE sa mga desisyon natin sa buhay, puwedeng humaba o umikli ang ating buhay. Alamin natin kung anu-ano ang mga ito.

l Ikaw ba ay naninigarilyo? Lampas ka ba sa 10 sticks sa isang araw? Kung oo, mababawasan ka ng 6 na taon sa buhay. Kaya itigil na ang paninigarilyo. Ayon sa pagsusuri, kapag hininto mo ang iyong paninigarilyo ng 6 na buwan, makababawi ka na ng 1 taon sa buhay. At kapag hininto mo ng 5 taon ang iyong paninigarilyo, makababawi ka ng 5 taon! Kaya iwaksi na ang paninigarilyo.

l May kasama ba kayo sa bahay o sa trabaho na naninigarilyo? Nalalanghap mo ba ang usok ng kanilang sigarilyo? Kung oo, mababawasan ka ng 2 taon sa buhay dahil para ka na rin naninigarilyo.

l Ikaw ba ay lasenggo? Kung oo, mababawasan ka ng 4 na taon sa buhay.

l Ngunit kung lilimitahan mo sa isang basong red wine ang iyong pag-inom sa isang araw, ay puwedeng humaba ng 1 taon ang iyong buhay. Maganda kasi ang red wine para sa puso.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

l Kaya mo bang tawanan ang iyong problema? Masiyahin ka bang tao? Kung oo, hahaba ng 1 taon ang iyong buhay.

l Umiinom ka ba ng gamot para sa high blood o diabetes? Nako-kontrol ba ang iyong blood pressure o blood sugar? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng 9 na taon, kumpara sa isang taong hindi umiinom ng gamot.

l Nakikipag-sex ka ba ng 2 beses bawat linggo? May asawa o regular partner ka ba? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng 2 taon. Mabuti ang sex sa pag-iwas sa prostate cancer at parang ehersisyo din ito ng katawan.

l Marami ka bang sex partners? Lampas 3 ba ang iyong ka-relasyon? Kung oo, mababawasan ka ng 6 na taon sa iyong buhay. Delikado kasi ang STD o sexually transmitted diseases.

l May alaga ka bang aso sa bahay? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng 2 taon. Nagbibigay ng pagmamahal ang mga aso. Ayon sa pagsusuri, walang gaanong benepisyo ang pag-aalaga ng pusa. Hindi kasi malambing ang mga pusa.

l Mayroon ka bang mga kaibigan na mas matanda o mas bata sa iyo? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng 1 taon. Ito’y dahil ang mga bata ay matututo sa mga matatanda. At ang matatanda naman ay makukuha ang lakas at energy ng mga bata. Huwag makipagkaibigan sa mga ka-edad mo lang. Lawakan mo ang iyong pananaw, at hahaba ang iyong buhay.

Para sa karagdagang kaalaman, magbasa ng librong “How To Live Longer” na mabibili sa National Bookstore.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: